Huwag ihalal ang mga tiwaling kandidato

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 716 total reads

Nagkakaisang nanindigan ang mga Obispo, Pari, Laiko at kristiyanong grupo ng mga kabataan laban sa korapsyon at katiwalian na nananatiling suliranin sa bansa.

Iginiit ng Catholic Bishops’ Conference of The Philippines (CBCP) at Student Christian Movement of The Philippines (SCMP), sa pagwawaksi at paglaban sa korapsyon o pagkakamkam sa kaban ng bayan ay higit nitong pagyayabungin ang health care system ng Pilipinas.

“Marami po ang magandang magyayari kong tayo ay walang corruption, maganda rin ang kadadatnan ng buhay natin lalong na health care system, mga infra natin at iba pa,” ayon sa mensaheng ipinadala sa Radio Veritas ni Military Ordinariate of the Philipppines Bishop Oscar Jaime Florencio – CBCP Episcopal Commission on Health Care Vice-chairman.

Binigyan diin naman ni Kej Andres, pangulo ng SCMP na mahalagang mapigilan ang korupsiyon upang lalong maging mabisa ang sistemang pangkalusugan sa Pilipinas.

Ngunit mabigat na salik din ang pribatisadong katangian nito na bumababa ang paglalaan ng pondo ng mamamayan sa mga pampublikong ospital at sa halip ay mas nangingibabaw ang mga pribadong ospital,” pahayag ni Andres sa Radio Veritas.

Umaasa naman si Father Jerome Secillano – CBCP Permanent Committee on Public Affairs Executive Secretary at Jun Cruz – Pangulo ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas na gamitin ng mga botante ang halalan upang magkaisa at ihalal ang mga kandidatong may malinis at mabuting hangarin para sa mamamayan.

“Suriin natin at araling mabuti ang kwalipikasyon ng mga kandidato. At pagkatapos ng halalan, dapat ding maging mapag-matyag ang taong-bayan upang mapigilan ang anumang pagtatangka na muli na namang nakawin ang pondo para sa bayan,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Father Secillano.

“Kailangan natin sa eleksyon ito na makapag paupo ng mga lider na handang lumapit at tumulong ng hindi magsasamantala pagkatapos, mga tunay na lingkod bayan na tapat sa tawag ng serbisyo,” ayon naman sa mensaheng ipinadala ni Cruz sa Radio Veritas.

Sa 2021 Corruption Perception Index (CPI) ng Transparency International, nakamit ng Pilipinas ang mababang 33-puntos at ika 117-pwesto mula sa bilang ng 180-bansa.

Ang CPI ay ang talaan ng Transparency International base sa kung gaano kalaganap ang katiwalian sa mga bansa, 100-puntos ang pinakamataas na gradong maaring igawad sa mga bansang may malilinis at hindi tiwaling pamahalaan.

Habang sa Papal Visit ng Kaniyang Kabanalang Francisco sa Pilipinas noong 2015 ay naging panawagan ng Santo Papa sa mga lider ng bansa na tuluyan ng iwaksi ang korapsyon dahil nagpapahirap ito sa mamamayan.

Child protections, ipapatupad ng CEAP

 20,736 total reads

 20,736 total reads Naninindigan ang Catholic Education Association of the Philippines sa kahalagahan na ipatupad ng Catholic education sector ang child protections. Ikinababahala ng CEAP ang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 215,994 total reads

 215,994 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 247,725 total reads

 247,725 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 349,549 total reads

 349,549 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 390,110 total reads

 390,110 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 402,184 total reads

 402,184 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Child protections, ipapatupad ng CEAP

 20,737 total reads

 20,737 total reads Naninindigan ang Catholic Education Association of the Philippines sa kahalagahan na ipatupad ng Catholic education sector ang child protections. Ikinababahala ng CEAP ang

Read More »
Scroll to Top