Philhealth premium, ilulunsad nationwide ng PHILHEALTH

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 799 total reads

Tiniyak ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang pagpapalawig ng mga inisyatibo sa Universal Healthcare System ng bansa.

Ayon kay Shirley Domingo – PhilHealth Vice-President for Corporate Affairs Group, layunin ng kanilang ahensya na maabot ang bawat Pilipino maging ang mga nasa pinakamahihirap na lugar upang maging miyembro.

Ito ay sa pamamagitan ng paglulunsad ng mga Programang katulad ng ‘Alaga ka’ sa ibat-ibang rehiyon, na pinapaalam ang kahalagahan ng pagkakamit ng PhilHealth Premium.

“Yung importante is malaman nila ang kanilang mga benefits through information drive yung ating mga regions po ay nagko-conduct ng tinatawag nating ‘Alaga Ka’ yung maraming participants diyan is from the indigent sector although lately just before the pandemic kino-conduct narin sa ibang membership sector,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Domingo.

Nilinaw naman ni Rex Paul Recoter – PhilHealth Senior Manager Formal Sector-Member Management Group para sa mga kasambahay na kumikita ng hindi tataas ng 5-libong piso kada buwan na hindi na ikakaltas sa kanilang sahod ang buwanang PhilHealth premium membership.

Sa halip ayon kay Recoter ang kanilang mga employers ang kakailanganing magbayad ng bayarin, habang kung tataas hindi naman tataas sa 10-libong piso ang sahod ay tig 50% hatian sa pagitan ng kasambahay at kanilang employers.

Inihayag naman ni Dra. Mary Antonette Remonte – PhilHealth Acting Senior Vice-president for health Finance Policy Sector na padadaliin ng ahensiya ang pagbibigay ng tulong pinansiyal sa mga kabilang sa Severe Acute Malnutrition (SAM).

Ayon kay Remonte, sa pamamagitan ng hakbang katulong ng agapay ng mga lokal na pamahalaan at Department of Health ay mapapalawig ng PhilHealth ang tuluyang pagsugpo sa suliranin ng malnutrisyon higit na sa mga kabataan.

Matapos ang kaniyang operasyon sa kondisyon ng ‘colon diverticulitis’ noong nakalipas na taon ay nanawagan ang Kaniyang Kabanalang Francisco na gawing libre ang Universal Health Care System sa buong mundo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

THE LOST LESSONS

 40,868 total reads

 40,868 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 91,230 total reads

 91,230 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 223,569 total reads

 223,569 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 308,952 total reads

 308,952 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Magparehistro na para makaboto sa 2028!

 370,266 total reads

 370,266 total reads Mga Kapanalig, pwede nang magparehistro ang mga botante para sa 2028 national at local elections hanggang sa ika-30 ng Hulyo, 2027. Maaaring magparehistro

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top