Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagiging Minor Basilica ng Archdiocesan Shrine and Parish of Santo Niño de Tondo, isang misyon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,110 total views

Binigyang-diin ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula na kaakibat ng pagkilala sa Archdiocesan Shrine and Parish of Santo Niño de Tondo bilang isang Minor Basilica ang mas malaking pananagutan ng simbahan na maging tahanan ng pananampalataya, pagkakaisa at paglilingkod lalo na para sa mahihirap at mga naisasantabi sa lipunan.

Ito ang bahagi ng homiliya ng kardinal sa ginanap na maringal na deklarasyon ng Minor Basilica sa Tondo kung saan binigyang-diin na ang pagkakaloob ng naturang titulo ay hindi simpleng karangalan kundi isang misyong dapat tupdin ng sambayanan ng Diyos.

“Such a designation bestowed on us today invites the local Christian community of Tondo not to privilege but to responsibility, to become more fully a center of vibrant worship, sound teaching, and active charity,” ayon kay Cardinal Advincula.

Iginiit din ng kardinal ang kahalagahan ng pagiging isang “synodal Church” o Simbahang sama-samang naglalakbay, nakikinig at nagkakaisa sa ilalim ng paggabay ng Espiritu Santo.

“Authority in the Church is always at the service of communion. It is not domination, but a relationship. It is not distance, but closeness,” ani Cardinal Advincula.

Sinabi pa ng arsobispo na ang simbahan ay dapat maging bukas para sa lahat, lalo na sa mga dukha at mga nakalilimutan ng lipunan.

Aniya, nawa’y patuloy na maging tahanan ng mga nalalayo sa pananampalataya ang bagong talagang basilica. “The Basilica, therefore, is not a closed sanctuary, but an open home where all people, especially the poor, the forgotten, and the abandoned, can find belonging… Let it summon God’s children of every age to come home to their church,
especially those who have been estranged or lost,” dagdag pa ng kardinal.

Samantala, binigyang-diin naman ni Papal Nuncio to the Philippines, Archbishop Charles Brown, ang mahalagang ugnayang espiritwal na nabuo sa pagitan ng Santo Niño de Tondo at ng Vatican sa pagiging Minor Basilica nito.

“Today, a very important spiritual link has been established between your parish, this minor basilica, and the Holy See,”
ayon kay Archbishop Brown. Ipinaliwanag din ng kinatawan ng Santo Papa sa Pilipinas ang kahulugan ng “Sub Umbra Petri” o “sa ilalim ng anino ni Pedro” na sumisimbolo sa pagiging malapit ng basilica sa Santo Papa.

“To be sub umbra Petri, to be under the umbrella, the shadow of Peter, means to be so close to the Holy Father, to receive his protection, and indeed to receive his healing and his strength,” dagdag ng nuncio.

Dagdag pa nito, ang pagiging Minor Basilica ng Santo Niño de Tondo ay tanda ng mas malalim na pakikiisa ng sambayanan sa kahalili ni San Pedro at sa pandaigdigang Simbahan.

Hinimok din ni Archbishop Brown ang mga mananampalataya na patuloy na ipanalangin si Pope Leo XIV at ang Simbahan sa buong mundo.

Noong Nobyembre 2025, isinapubliko ng Tondo Church ang pahintulot ng Vatican sa kahilingang maging minor basilica. Naitatag ang dambana noong 1572 na naging tahanan ng Santo Niño de Tondo, ang ikalawa sa pinakamatandang imahe ng batang Hesus sa Pilipinas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tantanan na ang mga puno!

 67,079 total views

 67,079 total views Mga Kapanalig, sa mga lungsod man o sa mga bundok, hindi tumitigil ang pagpuputol ng mga puno! Noong isang buwan, inihinto ang pagpuputol

Read More »

Karapatan sa kalusugan para sa iilan?

 88,144 total views

 88,144 total views Mga Kapanalig, ang healthcare o pangangalaga sa kalusugan ay isang pangunahing karapatang pantao. Hindi ito luho. Hindi ito pribilehiyo para lamang sa iilan.

Read More »

Maging instrumento ng katotohanan

 111,166 total views

 111,166 total views Mga Kapanalig, parami na nang parami ang mga nakatatanggap ng mga maleta na naglalaman ng limpak-limpak na perang kickback diumano mula sa mga

Read More »

A WAY TO LATE?

 148,865 total views

 148,865 total views Huli na ba ang lahat? O blessings in disguise? Kapanalig, sa paglaganap ng social media at pagkaroon ng access ng mayorya ng mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top