Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagiging proactive, hamon ni Cardinal Tagle sa religious institutions

SHARE THE TRUTH

 345 total views

Ibinahagi ni Rev. Fr. Edwin Gariguez – Executive Secretary ng CBCP NASSA / Caritas Philippines ang pahayag ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle – Presidente ng Caritas Internationalis at kinatawan ng Faith-based Organization sa World Humanitarian Forum sa Istanbul, Turkey.

Ayon sa Pari, binigyang diin ng Kardinal ang kahalagahan ng lahat ng religious sectors na laging nakaagapay sa mamamayan bago pa man magkaroon ng sakuna hanggang sa matapos ito.

Dagdag pa ng Pari, hindi lamang sa mga natural calamities dapat magkaroon ng kahandaan ang mga Faith-based Organizations kundi maging sa pagtugon sa mga biktima ng man-made disasters tulad ng nagaganap na kaguluhan sa Marawi.

“Sabi n’ya [Cardinal Tagle], before, during and after, nandiyan tayo, meron tayong permanent perpetual presence with the community at kaya nga mahalaga na tayo, simbahan, Parishes, Dioceses ay may kakayahan na gawin yung papel natin sa bahagi ng pagtugon. Hindi lang yang natural Disaster [yung dapat paghandaan] kundi yung human disaster kagaya ng nangyayari ngayong giyera sa Marawi,” pahayag ni Father Gariguez

Samantala, bagamat limitado ang kakayahan ng simbahan sa pagtulong, itinuturing parin ni Fr. Gariguez na isang magandang pangyayari ang pagkagising ng mga Diyosesis na mahalagang maging malakas ang bawat simbahan upang matulungan ang mga nangangailangan.

Dagdag pa ng Pari ang pagtugon na ibinabahagi ng Simbahan ay maliit na bahagi lamang kumpara sa tulong na maibabahagi ng pamahalaan.

Para tugunan ang pangangailangan ng mga nagsilikas na residente ng Marawi, nagpadala ang CBCP-NASSA/Caritas Philippines ng 300,000 pisong cash donations habang 500,000 piso at 100-kaban ng bigas ang ipinagkaloob ng Caritas Manila.

Read: http://www.veritas846.ph/obispo-ng-marawi-labis-ang-pasasalamat-sa-cash-at-rice-donations-ng-caritas-manila/
http://www.veritas846.ph/catholic-church-launches-solidarity-appeal-for-marawi/

Sa datos ng DSWD umaabot na sa 59, 665 na indibidwal ang internally displaced sa Region X at ARMM.(Yana Villajos)

 

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Witch hunt?

 16,645 total views

 16,645 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »

Tahimik sa conflict of interest?

 30,605 total views

 30,605 total views Mga Kapanalig, itinanggi ni Senador Mark Villar ang mga akusasyong ginamit niya ang kanyang posisyon bilang dating kalihim ng Department of Public Works

Read More »

Bihag ng sugal

 47,757 total views

 47,757 total views Mga Kapanalig, tinalakay natin sa isang editoryal ang pagkabahala ng presidente ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (o CBCP) na si Kalookan

Read More »

kabaliwan

 97,941 total views

 97,941 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 113,861 total views

 113,861 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 164,461 total views

 164,461 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »

Our Lady of Mt.Carmel, kinoronahan

 108,307 total views

 108,307 total views August 18, 2020 Kinoronahan ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco ang imahe ng Our Lady of Mount Carmel sa Minor Basilica and National Shrine

Read More »
Scroll to Top