Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagiging handa sa anumang sakuna, ugaliin

SHARE THE TRUTH

 3,339 total views

Umaapela ang Social Action Center ng Apostolic Vicariate of Puerto Princesa Palawan sa mamamayan na maging handa at sundin ang payo ng mga opisyal ng pamahalaan upang makaiwas sa sakuna.

Kasunod ito ng naganap na landslide sa Barangay Liwanag, Puerto Princesa, dahil sa walang tigil na buhos ng ulan na kumitil sa buhay ng isang ina at dalawa nitong anak.

Dahil dito, hinimok ng pari ang mga residente na umiwas sa mga tinukoy na landslide at flood prone areas ng lokal na pamahalaan ng Palawan, upang makaiwas sa anumang banta sa kanilang buhay.

“Isang pagpapaalala sa atin ang pagsunod ay napakahalaga para tayo ay magkaroon ng mapayapang pamumuhay kaya ang mga suggestions at ninanais ibigay sa atin ng pamahalaan bilang pagpapaalala yan ay makakatulong at dapat nating sundin,”pahayag ng Pari sa panayam ng Radyo Veritas.

Paalala pa ni Fr. Lahan, hindi lamang ang pamahalaan at simbahan ang dapat maghanda at magtulungan kundi lalo na ang mamamayan para maiwasan ang pagdami ng mga biktima ng natural calamities.

“Ang buhay ay hindi na maibabalik kapag mayroong nangyaring sakuna sa atin, pinapaalalahanan po ang lahat na sana, sundin po natin ang sinasabi ng ating gobyerno… Hindi po natin hawak ang panahon ngayon lalong lalo na alam natin na ang mga ulan ay dadating sa hindi natin inaasahan. Kinakailangan maging handa tayo palagi at part ng ating paghahanda ay ilagay ang ating sarili sa dapat nating kinalalagyan,” dagdag pa ni Fr. Lahan.

Bagamat hindi pa pormal na nagsisimula ang panahon ng tag-ulan, puspusan na ang paghahanda ng mga Social Action Center ng Simbahan upang maagap na matugunan ng mga residenteng mangangailangan ng tulong.

Read: http://www.veritas846.ph/simbahan-pinapalakas-ang-disaster-response-capability/

Noong 2015, pormal na idineklara ang tag-ulan noong June 4 habang noong 2016, idineklara naman ng PAGASA ang tag-ulan noong May 24

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Walang education crisis?

 28,987 total views

 28,987 total views Mga Kapanalig, itinanggi ng Palasyo ng Malacañang na may education crisis sa ating bansa. May isang contestant kasi sa isang noontime show na

Read More »

Hindi sagot ang pag-unfriend

 40,704 total views

 40,704 total views Mga Kapanalig, kumusta ang inyong mga social media feed nitong nakaraang linggo? Punô ba ito ng mga balita, opinyon, o kaya naman ay

Read More »

Katarungang abot-kamay

 61,537 total views

 61,537 total views Mga Kapanalig, pinahahalagahan sa Banal na Kasulatan ang katarungan. Ayon sa Levitico 19:15, “Huwag kayong hahatol nang hindi makatarungan. Huwag ninyong kikilingan ang

Read More »

Truth Vs Power

 77,962 total views

 77,962 total views Sinasabi sa mga opinyon Kapanalig, “truth” when one who says it is in power, out of it, even critic and evidence doesn’t matter.

Read More »

Heat Wave

 87,196 total views

 87,196 total views Kapanalig, ramdam mo na ba ang maalinsangang panahon? Pinagpapawisan ka na ba sa init ng panahon? Ang mainit na panahon na sanhi ng

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Disaster News
Veritas NewMedia

Oplan Linog, binuo ng DSWD

 3,104 total views

 3,104 total views Bumuo ang Department of Social Welfare and Development ng action plan na tatawaging Oplan Linog upang palakasin ang malawakang pagtugon sa pangangailangan ng

Read More »
Disaster News
Veritas NewMedia

Disaster preparedness, pinaigting pa ng LGUs

 3,367 total views

 3,367 total views Tiniyak ng Department of Interior and Local Government na mas pinaigting ang disaster preparedness sa bawat munisipyo sa mga lalawigan sa bansa. Ayon

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top