Archbishop Palma, Bibisitahin ang mga Biktima ng Landslide sa Naga City, Cebu.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,580 total reads

Personal na nagpaabot ng pakikiramay at pagsuporta si Cebu Archbishop Jose Palma sa mga residenteng naapektuhan ng matinding landslide sa Naga City, Cebu.

Ayon sa Arsobispo, bibisitahin niya ngayong araw ang naiwang pamilya ng mga nasawi mula sa trahedya at mga residenteng mayroon pang nawawalang kapamilya upang makiramay at patatagin ang kanilang kalooban.

Bukod sa panalangin, sinabi ni Archbishop Palma na tutukuyin din niya sa kanyang pagbisita ang mga maaari pang maitulong ng simbahan bilang suporta sa mga naulilang pamilya.

“I am scheduled to pay a visit to the Naga itself to the family, siguro I would have more chance to have direct conversation with members of the family specially to the bereaved and certainly we will bring our support and of course in various ways. At the moment, prayers and of course encouragement to the family and again an opportunity to deal more honestly with the situation and see how we can not only console but also support the family of the victims.” Bahagi ng pahayag ng Arsobispo sa Radyo Veritas.

Iginiit naman ng Arsobispo na ang pangyayaring ito ay hindi dapat ipagwalang bahala at dapat muling suriin ang dinadalang negatibong epekto sa kalikasan at sa pamayanan ng mga tinatawag na “development.”

Aniya, alam na ng mga tao ang panganib na dala ng mga bagyo at malalakas na pag-ulan subalit dapat din na muling masusing siyasatin ang naidudulot ng malawak na pagpuputol ng mga puno, quarrying at mining na sinasabing nagdadala ng pag-unlad sa bansa.

“We are aware of, you know, the effects of typhoon, pero on the other hand we are also aware of the danger caused by, of course all of these landslide due to quarrying and logging and therefore it’s an opportunity for us to reexamine the consequences of the so called “development” also caused by mining or quarrying for that matter.” Dagdag pa ni Abp. Palma.

Sa huling ulat ng Naga City Police, mahigit na sa 20 ang mga kinilalang labi na nakuha mula sa gumuhong bundok.

Nagpapatuloy naman ang pagsasagawa ng search and rescue operation ng lokal na pamahalaan at mga volunteers sa Naga City, Cebu.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang bigat ng betrayal of public trust

 29,377 total reads

 29,377 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 256,295 total reads

 256,295 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 149,762 total reads

 149,762 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 243,792 total reads

 243,792 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 286,644 total reads

 286,644 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 34,185 total reads

 34,185 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 27,085 total reads

 27,085 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top