Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

6-Milyong Piso, Inilaan ng Caritas Manila sa Rehab ng mga Nasalanta ng Bagyong Ompong

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 443 total views

Patuloy ang pamamahagi ng tulong ng Caritas Manila sa mga biktima ng bagyong Ompong lalo na sa Hilagang Luzon.

Ayon kay Rev. Fr. Anton CT Pascual, Executive Director ng Caritas Manila at pangulo ng Radio Veritas, bukod sa isinagawang relief operation ng Caritas Damayan, aabot naman sa halagang anim na milyong piso ang inilaan para sa rehabilitasyon kabilang na ang pagkukumpuni ng mga nasirang bahay at livelihood support sa mga nasalanta.

“Marami tayong napadalhan ng relief sa mga biktima ng bagyong Ompong. Ngayon ay nagsimula tayo sa rehabilitation na binubuo ng housing repair at mga livelihood support.” bahagi ng pahayag ni Fr. Pascual sa Radio Veritas.

Ipinaliwanag ng Pari na ang pondong gagamitin sa rehabilitasyon ay mula sa Alay Kapwa na ginagawa tuwing panahon ng Kuwaresma kung saan ang nalilikom na donasyon ay ilalaan para sa mga mabibiktima ng sakuna na dulot ng tao at kalikasan.

Dahil dito hinimok ni Father Pascual ang mananampalataya na magkaisa sa pagtulong bilang bahagi ng Kristiyanong pamayanan.

Sa kabuuan umaabot na sa siyam na milyong piso ang tulong na naipaabot ng Simbahan sa mga naapektuhan ng bagyong Ompong.

Kabilang sa napadalhan ng tulong ang mga diyosesis ng Tuguegarao, Ilagan, Tabuk, Ilocos, Laoag, Baguio at Tarlac.

Una nang nagpadala ng tulong ang Caritas Manila sa mga nabanggit na diyosesis bago manalasa ang bagyo bilang pakikiisa sa mga residenteng maapektuhan.

Bukod dito, pangungunahan din ng Caritas Manila ang pagtatayo ng mga 3-in-1 chapels sa mga lugar Luzon na typhone at landslide prone areas.

Read: Caritas Manila Magpapatayo ng 3-in-1 Chapel sa mga lugar na apektado ng bagyong ompong

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kapayapaan na ba sa wakas?

 17,826 total views

 17,826 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Ang PAPA Leave Act

 33,522 total views

 33,522 total views Mga Kapanalig, maaaring magkaroon ng hanggang 105 araw na paid paternity leave ang mga tatay kapag maging batas ang House Bill No. 9891

Read More »

Hindi solusyon ang kriminalisasyon

 41,922 total views

 41,922 total views Mga Kapanalig, kabubukás pa lamang ng mga klase nitong Hunyo, sinusubok na agad ang ating mga paaralan ng mga insidente ng karahasan.  Noong

Read More »

APAT NA DEKADA

 106,282 total views

 106,282 total views Mag-aapat na dekada nang ipag-utos ng 1987 Philippine constitution o Saligang Batas ng Pilipinas sa mga mambabatas (Congressmen/Senador) na isabatas ang anti-political dynasty

Read More »

Tantanan na ang mga puno!

 172,658 total views

 172,658 total views Mga Kapanalig, sa mga lungsod man o sa mga bundok, hindi tumitigil ang pagpuputol ng mga puno! Noong isang buwan, inihinto ang pagpuputol

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top