National Laity Week, Bubuksan sa Diocese of San Pablo Laguna

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 623 total reads

Inanyayahan ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo – Chairman ng CBCP Episcopal Commission on the Laity ang mga Layko na makiisa sa pagbubukas ng National Laity Week ngayong sabado ika-22 ng Septyembre.

Ayon sa Obispo, layunin ng taunang pagsasagawa ng National Laity Week na ipakita at ipadama sa mga layko ang kanilang kahalagahan sa pakikiisa sa misyon ni Hesus.

Binigyang diin ng Obispo na ang mga layko ay hindi lamang mga tagatanggap ng salita ng Diyos at mga biyaya kungdi mga misyonero na nagpapahayag ng mabuting balita sa lahat ng aspeto ng kanilang buhay maging sa bahay, paaralan, pulitika, negosyo at sa lahat ng bahagi ng lipunan.

“Ang pinaka goal n’yan ay upang ipaalam sa mga layko ang mahalagang papel nila sa simbahan. Hindi lang sila tagatanggap ng Mabuting Balita, ng grasya ng Diyos, ang lahat, ang bawat isa ay mga misyonero, missionaries, kaya sila din ay missionaries of the faith, dapat mag-evangelize” pahayag ni Bishop Pabillo

Ngayong taon, ang National Laity Week ay may temang “The Laity in Solidarity with the Clergy and Consecrated Persons towards Social Transformation.”

Dahil dito, binigyang diin rin ng Obispo ang kahalagahan ng pagkakaugnay-ugnay ng mga pari, relihiyoso at relihiyosa at mga layko.

Sinabi pa ni Bishop Pabillo na ang nalalapit din na pagdating ng relikya ni Santo Padre Pio ay paalala sa lahat ng pagtawag ng Diyos patungo sa kabanalan.

Ayon sa Obispo, iisa lamang ang Simbahang pinaglilingkuran ng bawat tao maging pari man o layko.

“Kaya nga sinasabi sa atin dito na mayroong cooperation dapat ang clergy, ang religious at ang Laity, iisa lang naman ang simbahan na pinaglilingkuran natin, iba-iba lang ang ating mga tungkulin dito, at ang pagdating ni Padre Pio ay nagpapaalalaala na lahat sa atin ay tinatawag sa kabanalan,” dagdag pa ni Bishop Pabillo.

Ang pagbubukas ng National Laity Week ay ipagdiriwang sa San Pablo Cathedral at pangungunahan ni San Pablo Bishop Buenaventura Famadico, D.D. ang banal na misa.

Susundan ito ng mga talakayan at pag-aaral kung saan kabilang sa magbibigay ng pag-aaral si Kalookan Bishop Pablo Virgilio David.

Samantala, gaganapin naman ang pagtatapos ng National Laity Week sa ika-29 ng buwan sa Archdiocese of Cagayan de Oro.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang bigat ng betrayal of public trust

 29,368 total reads

 29,368 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 256,286 total reads

 256,286 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 149,753 total reads

 149,753 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 243,783 total reads

 243,783 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 286,636 total reads

 286,636 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 34,184 total reads

 34,184 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 27,084 total reads

 27,084 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top