Sa paggunita ng Martial law: Mamamayan, hinikayat na makiisa sa United People’s Action

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 497 total reads

Umapela nang pakikiisa ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines–Episcopal Commission on the Laity sa nakatakdang United People’s Action na isasagawa sa Luneta.

Ito ay bilang paggunita sa deklarasyon ng Martial Law 46 na taon na ang nakakalipas.

Ayon kay Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo – Chairman ng Kumisyon ang paraan ng paggunita sa deklarasyon ng Batas Militar ni dating Pangulong Ferdinand Marcos ay naglalayong maipakita sa kasalukuyang Administrasyong Duterte ang paninindigan ng bawat isa na hindi na dapat na maulit pa ang madilim na kabanata sa bansa.

Giit ng Obispo, dapat na manindigan ang bawat mamamayan laban sa banta ng muling pag-iral ng diktadurya sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagkakaisa at pagiging mapagbantay sa mga nagaganap sa lipunan.

Paliwanag pa ni Bishop Pabillo, mahalagang maipakita ng mamamayan ang paninindigan ng bayan na hindi na muling hahayaan ng mamamayan na maulit pa ang paniniil sa kasarinlan ng bansa.

“May United People’s March po tayo sa Luneta yan po ay paggunita sa Martial Law, bukas ang anibersaryo ng deklarasyon ng Martial Law na sana hindi na maulit yung Martial Law, yung Dictatorship, kaya nga dapat maging mapagbantay ang lahat at sana makiisa tayo, ipakita natin ang ating pwersa na ayaw na natin ng Dictatorial rule, kasi sa ating panahon may banta na naman na magkaroon ng Dictator at yan ay manggayayari kung magpapabaya tayo, so kung ang lahat ay nakikiisa maipakita natin sa ating numbers na ayaw natin ng ganun ay mag-iisip-isip yung mga may balak na gumawa ng ganyang bagay,” ang bahagi ng pahayag ni Bishop Pabillo sa panayam sa Radyo Veritas.

Ang pagkilos ay isang panawagan sa iba’t ibang sektor ng lipunan upang muling magkaisa para sa iisang hangarin at paninindigan na isulong ang isang malaya at maunlad na Pilipinas.

Dahil dito tinatawagan ang lahat ng mga kabataan, mga beterano ng nakaraang diktadurya, mga sektor na apektado ng mga hindi makatao, hindi makabayang programa at pamamalakad ng rehimeng Duterte, mga mulat na mamamayan na makiisa sa pananalangin at pagmamartsa para ipagtanggol ang kinabukasan ng bansa.

Ganap na alas-dos y medya ng hapon ay magkakaroon ng Mass for Dignity and Peace na isasagawa sa San Agustin Church sa Intramuros Manila sa pangunguna ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas, Association of Major Religious Superiors in the Philippines (AMRSP) at Promotion of Church Peoples Response (PCPR) na susundan ng sama-samang pagmamartsa patungong Luneta.

Magsisimula ang programa ganap na alas-4 ng hapon na ang pangunahing panawagan ay LABANAN ANG DIKTADURA! NEVER AGAIN! NEVER FORGET!.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang bigat ng betrayal of public trust

 27,710 total reads

 27,710 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 254,758 total reads

 254,758 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 148,225 total reads

 148,225 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 242,255 total reads

 242,255 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 285,191 total reads

 285,191 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top