Mga Diyosesis na apektado ng bagyong Ompong, nanawagan ng tulong

SHARE THE TRUTH

 3,392 total views

Umapela ng tulong ang iba’t-ibang Diyosesis na matinding naapektuhan ng mga pagbaha at pagguho ng lupa na dala ng pananalasa ng bagyong Ompong sa bansa.

Diocese of Baguio

Ayon kay si Father Manny Flores, Jr. Social Action Director ng Diocese of Baguio, hirap ngayon ang iba’t-ibang grupo maging ang pamahalaan mula sa labas ng Baguio, na mag-paabot ng tulong dahil isolated pa ang lugar at karamihan sa mga kalsada papunta ay hindi pa posibleng madaanan.

Tiniyak ng Pari na puspusan ang pagkilos ng lokal na pamahalaan sa Baguio kasama ang mga volunteers nito upang agad na matanggal ang mga lupa at punong gumuho sa mga kalsada.

“As initial assessment isolated ngayon ang baguio almost all routes going to baguio are closed, so right now mahirap pong bumyahe sa baguio papasok at palabas… Marami po [ang landslides] pero ginagawan na naman ng paraan ng ating gobyerno at mga volunteers, nagsikuha na ng mga pala para lang [isaayos], ang ating road network.” pahayag ng pari sa Radyo Veritas.

Samantala, pagkain, mga kumot, hygiene kits at tubig ang pangunahing pangangailangan ng marami sa mga nasasakupan ng Diocese of Baguio.

Sinabi ni Father Flores na nakapagbahagi na ng inisyal na tulong ang kanilang Diyosesis sa 55 pamiya o 250 indibidwal sa isang evacuation center.

“For now ang kakailanganin nila ay food, mga beddings saka tubig, so far yun po yung nirerespond namin with the little goods that we have. Yung mga prepositioned goods natin ngayon halos naibigay na lahat dun sa isang evacuation center, pero I believe also if you wish to send some financial help that would be great also for us to buy nalang yung mga need, specially dun sa mga evacuation centers in Benguet side po.” panawagan ng Pari.

Archdiocese of Lingayen Dagupan

Tinatayang 5,000 indibidwal ang lumikas sa ilalim ng Archdiocese of Lingayen Dagupan sa Panggasinan matapos ang matinding pagbahang dala ng bagyong Ompong.

Ayon kay Father Estepen Espinosa – Social Action Director ng Arkidiyosesis, lumala pa ang baha matapos magbukas ng dalawang gate ang San Roque dam na nagpakawala ng halos 8metrong taas ng tubig.

Sa kasalukuyan, patuloy pa rin ang pag-iikot ng Social Action Center upang tiyaking maayos ang kalagayan ng mga mamamayan sa iba’t-ibang evacuation areas sa Panggasinan.

“We came up with 5000 estimate during the storm. Assessment is being made today at parish level whether number increased or not. San Roque dam releasing water still. 2 gates. 8 meters high. Might aggravate flooding in already-affected areas.” mensahe ni Father Espinosa sa Radyo Veritas.

Diocese of Tarlac

Nababahala naman ang Diocese of Tarlac na kulangin ang kanilang pondo para sa pamamahagi ng tulong sa mga naapektuhan ng bagyo.

Ayon kay Father Randy Salunga, wala pang tiyak na bilang kung ilan ang mga naapektuhan sa iba’t-ibang mga parokya sa kanilang diyosesis subalit inaasahan na nito na marami din ang bilang ng mga nasalanta sa kanilang nasasakupan.

Dahil dito, nanawagan ang pari at nagpapasalamat sa mga may bukas na pusong tutugon sa pangangailangan ng mga matinding naapektuhan ng bagyong Ompong.

Diocese of Laoag

Naghahanda na ang Diocese of Laoag upang tulungan ang mga mamamayang napinsala ang tahanan at mga pananim.

Nagpapasalamat si Msgr. Noel Ian Rabago – Vicar General ng diyosesis, na ito lamang ang mga pinsalang natamo sa kanilang lugar at walang nasawi mula sa hagupit ng bagyong Ompong.

Sa kabila nito, marami pa ring nananatili sa mga evacuation centers kaya naman nakahanda na rin ang mga relief goods ng simbahan at pamahalaan.

Nananawagan pa rin ang Diocese para sa mga karagdagang donasyon para sa rehabilitasyon ng mga nasirang bahay at pangkabuhayan ng mamamayan.

Kaugnay nito, umiikot na rin sa Luzon ang Damayan Kapanalig ng Radio Veritas at Caritas Manila para i-asses ang mga lugar na sinalanta ng bagyong Ompong.

Tiniyak naman ni Caritas Manila executive director at Radio Veritas President Father Anton Pascual na may nakahandang standby funds ang social arm ng Archdioces of Manila para sa relief at rehab ng mga lugar na matinding apektado ng bagyo.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BSKE 2025

 80,183 total views

 80,183 total views Mga Kapanalig, katatapos lang ng midterm national and local elections pero may pang isang halalan sa taóng ito. Isasagawa sa Disyembre ang Barangay

Read More »

Anong pinagtataguan mo?

 91,187 total views

 91,187 total views Mga Kapanalig, gaano kalayo ang kayang takbuhin ng isang tao para makaiwas sa pananagutan? Sa kaso ng dating tagapagsalita ni dating Pangulong Duterte

Read More »

To serve and protect

 98,992 total views

 98,992 total views Mga Kapanalig, para sa Catholic social teaching na Gaudium et Spes, ang mga awtoridad ay obligadong ipatupad ang batas alinsunod sa kung ano

Read More »

TOO MUCH GENERAL EDUCATION

 112,231 total views

 112,231 total views Quality education, kailan kaya natin ito makakamit Kapanalig? Taon-taon, nahaharap sa maraming problema ang sektor ng edukasyon sa bansa., kabilang dito ang hindi

Read More »

AUGUST CHAMBER

 123,735 total views

 123,735 total views The Filipino people have the right to know the truth! Noong 1916, itinatag ang tinaguriang AUGUST chamber o Senate of the Philippines. Nagsilbi

Read More »

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top