Nagsilikas na residente ng Infanta, nasa kanlungan ng simbahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 463 total reads

Kinanlong ng mga Simbahan at Kombento sa Prelatura ng Infanta ang mga nagsilikas na residente dahil sa epekto ng bagyong Ompong. Ayon kay Rev. Fr. Israel Gabriel, Social Action Director ng Prelatura ng Infanta, halos limang libong mga residente ng Aurora ang nagsilikas ng manalasa ang bagyo upang matiyak na ligtas sa banta ng storm surge.

“Almost all ng mga Parokya at Kombento ng mga pari ang binuksan para sa mga iba’t ibang evacuues.” bahagi ng pahayag ni Fr. Gabriel sa Radio Veritas.

Nagpasalamat naman ang pari sa mamamayan na nagkaisang manalangin para sa kaligtasan ng mga residenteng apektado ng bagyong Ompong sa Hilagang Luzon.

Ibinahagi rin ng pari na bagamat maraming pananim sa lalawigan ng Aurora ang nasira makaraang hagupitin ng malakas na hanging dala ng bagyo ay ligtas ang mga residente at wala gaanong na pinsala.

Saad pa ni Fr. Gabriel bagamat humina na ang hangin at ulan sa malaking bahagi ng Aurora partikular sa Casiguran ay nanatili pa rin ang ibang residente sa mga evacuation centers habang ang iba ay bumalik na sa kanilang mga tahanan matapos matiyak na ligtas na sa banta ng sakuna.

Bukod dito ay nagpasalamat din ang Pari sa Caritas Manila at sa Himpilan ng Radio Veritas sa tulong na naibahagi sa mga lumikas na residente at sa pagbibigay daan upang makapanawagan sa mamamayan.

Aniya, sa mga nais pang magbigay ng tulong sa mga nagsilikas ay maaring makipag-ugnayan sa tanggapan ng Social Action Center ng Prelatura sa St. Therese of the Child Jesus parish sa Dipaculao Aurora o tumawag sa telepono bilang 09984975028.

Sa tala ng PAGASA higit na nanalasa ang bagyong Ompong sa Hilagang Luzon ngunit nagdulot ng pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa dahil sa pinalakas ng Habagat.

Una nang nagpaabot ng tulong pinansyal ang Simbahang Katolika sa limang Diyosesis ang Ilagan, Tabuk, Tuguegarrao, Batanes at Laoag sa pangunguna ng Caritas Manila – ang action ng Archdiocese ng Manila.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 33,584 total reads

 33,584 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 117,429 total reads

 117,429 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Battered woman syndrome

 211,760 total reads

 211,760 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 273,446 total reads

 273,446 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 317,579 total reads

 317,579 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top