Tulong sa mga naapektuhan ng bagyong Tisoy, naka-ready na

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,876 total views

Patuloy ang monitoring ng mga Diyosesis sa iba’t-ibang lalawigan sa kalagayan ng kanilang mga nasasakupan matapos ang pananalasa ng bagyong Tisoy.

Ayon kay Fr. Rex Arjona, Social Action Director ng Diocese of Legazpi, sinisimulan na nito ang pag-iikot sa mga lugar na labis na naapektuhan ng bagyong Tisoy upang matukoy ang tulong na maaaring maiabot ng simbahan.

“The worst is over for us at so far, sa Legazpi City muna kasi wala pa kaming natatanggap na reports sa iba, konti palang… Ngayong umaga nagtingin-tingin na tapos let’s see, tignan namin, iikot kami as much as we can and then tomorrow, we will ba able to get more substantial na assessment.” bahagi ng pahayag ni Fr. Arjona sa Radyo Veritas.

Isa naman ang Apostolic Vicariate of San Jose Mindoro sa mga labis na naapektuhan matapos dumaan dito ang mata ng bagyo.

Ayon kay Father Silvino Enriquez, Social Communications Minister, hindi na makapag-broadcast ang kanilang Radio Station na DZVT Spirit FM, matapos mabali ang kanilang antena.

Bukod dito ay blackout din sa buong lalawigan.

“Wala blackout lahat, ang isang nangyari yun pong aming Radio Station DZVT Spirit FM, yung antenna nya ay nabali at nagbuhol-buhol yung kable kaya hindi na kami nakapag broadcast.” Pahayag ng Pari sa Radyo Veritas.

Maaga namang nanawagan ng tulong si Fr. Toni Ryan Del Moro, Chancellor ng Diocese of Gumaca dahil nasalanta rin ang mga pananim sa kanilang lalawigan.

Ayon sa Pari, hindi lamang para sa mga katoliko ang tulong na gagawin kun’di sa bawat mamamayan na apektado magkakaiba man ang paniniwala.

“Maghanda na din po tayo ng maaari nating itulong… Sa ngayon po magpapasko ay malamang ganito po yung kahaharapin ng aming mga kasamahan sa iba’t-iba pong mga basic ecclesial communities at sa ngayon po ay katuwang po namin sa pag-a-assess ng sitwasyon para magkaroon po kami ng tamang paraan ng pagtulong sa aming mga kasama hindi lang po simbahang katolika kung hindi kasama rin po yung iba naming mga kapatid natin sa ibang paniniwala na parte po ng ipinagdiriwang ng taon ngayon, kasama po sa programa namin yan” Pahayag ni Father Del Moro sa Radyo Veritas.

Tiniyak naman ni Father Efren Basco, Social Action Director ng Diocese of Malolos ang kahandaan ng simbahan, at nakikipagugnayan din ito sa pamahalaan upang masiguro ang kaligtasan ng mamamayan.

“Kahapon pa lang pinaghanda na kami ng aming Obispo Dennis Villarojo upang nang sa ganun maihanda yung mga kakailanganin kung sa kaling may mga pamayanan kami na masasalanta nitong bagyo… Nananatili na din kaming nakaugnay sa aming provincial [PDRRMO] kung ano din yung mga kaganapan din sa ibang lugar para makasuporta yung diocese.” Pahayag ni Father Basco sa Radyo Veritas.

Apat na beses naglandfall ang bagyong Tisoy sa iba’t-ibang mga lalawigan sa Pilipinas na nag-iwan ng malawak na pinsala.

Ito na ang 20 bagyong pumasok sa bansa ngayong 2019, at itinuturing naman itong Category 4 Hurricane ng United States Joint Typhoon Warning Center.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lights! Camera! Action?

 110,501 total views

 110,501 total views Mga Kapanalig, napunô ng comedy, drama, action, at suspense ang Senado noong isang linggo. Tila eksena sa game show ang pagtakbo ni Senador

Read More »

Ang fourth estate

 234,912 total views

 234,912 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 275,025 total views

 275,025 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 348,852 total views

 348,852 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 316,426 total views

 316,426 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top