Simbahan, kumbento; binuksan para sa evacuees ng Gumaca

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 527 total reads

Binuksan ng Diocese of Gumaca, Quezon ang mga Simbahan at mga kumbento sa diyosesis para sa mga residenteng mangangailangan ng pansamantalang matutuluyan bunsod ng pananalasa ng bagyong Tisoy.

Ayon kay Gumaca Bishop Victor Ocampo nakahanda ang mga parokya at mga kumbento sa diyosesis na tumanggap at magpatuloy ng mga biktima ng bagyo dulot ng malalakas na hangin at ulan.

” Pinaghanda namin yung mga parishes, mga kumbento at mga parokya dahil sa malakas itong hangin at ulan…” ang bahagi ng pahayag ni Bishop Ocampo sa panayam sa Radyo Veritas.

Bukod dito, naghahanda na rin ang diyosesis ng mga bigas at ilan pang relief items upang maipagkaloob sa mga residenteng mangangailangan ng agarang tulong.

“Ang aming Social Action ay naghahanda ng mga bigas para ipadala sa mga nangangailangan “ dagdag pa ni Bishop Ocampo.

Ipinanalangin naman ng Obispo ang paggabay ng Panginoon para sa kaligtasan ng bawat isa at kabutihan ng puso na magkaloob ng tulong para sa mga lubos na mangangailangan dulot ng sama ng panahon.

Ayon kay Bishop Ocampo, ang nagaganap sa bansa ay maituturing na isang paghahanda upang maging mulat sa pagdating ni Hesus ngayong panahon ng Adbiyento.

Batay sa tala, may halos 900,000 ang bilang ng mga Katoliko sa Diocese of Gumaca, Quezon na pinangangasiwaan ng may 68 na pari sa 29 mga parokya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 21,596 total reads

 21,596 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 58,342 total reads

 58,342 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 284,612 total reads

 284,612 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 178,079 total reads

 178,079 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 270,948 total reads

 270,948 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top