Patuloy na kalakasan para sa pagbangon, panalangin ng Obispo sa mga nasalanta ng bagyo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,820 total reads

Umaasa si Sorsogon Bishop-elect Jose Alan Dialogo na nawa ay hindi panghinaan ng loob ang mamamayan sa kabila ng pananalasa ng bagyong Tisoy sa malaking bahagi ng luzon.

Nagpaabot din ng panalangin ang obispo para sa kaligtasan ng lahat matapos na tatlong beses na mag-landfall ang bagyo sa Sorsogon, Burias at Marinduque at manalasa sa ilan pang kalapit na lugar.

Idinulog din ng obispo sa panalangin na gabayan at huwag pabayaan ang mamamayan sa kanilang pagbangon mula sa pananalasa ng bagyo.

“Kami po ay dumudulog sa inyong pag-aaruga at pagkalinga lalong-lalo na sa nararanasan naming paghihirap ngayon. Bigyan N’yo po kami ng mas malalim pang pananampalataya at pananalig sa Iyo na s’yang magdadala sa amin ng mas matatag na pag-asa sa gitna ng aming kahirapan. Huwag N’yo po kaming pabayaan sa aming pagsisikap na makabangon muli,” bahagi ng panalangin ni Bishop Dialogo sa panayam ng Radyo Veritas.

Ipinanalangin din ng obispo na nawa ay magpadala ang Diyos ng mga taong instrumento upang matulungan ang mga labis na nangangailangan.

“Ipadala N’yo sa amin ang mga taong tutulong sa aming mga kinakailangan sa ngayon. Bigyan N’yo din sila ng nararapat na biyaya upang maging mga instrumento ng inyong pag-aruga at pagkalinga sa amin,” dagdag pa ng obispo.

Unang tumama ang mata ng bagyong Tisoy sa lalawigan ng Sorsogon alas-11 Lunes ng gabi.

Ayon sa United States Joint Typhoon Warning Center ang bagyong Tisoy na may international name na Kammuri na maituturing na category 4 Monster Hurricane.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 125,393 total reads

 125,393 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 262,487 total reads

 262,487 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 378,263 total reads

 378,263 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 493,549 total reads

 493,549 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

IKAW PALA ANG MISYON NIYA SA LUPA

 47,281 total reads

 47,281 total reads Isang tula tungkol sa pag-ibig, pagkawala, at pananampalataya Bakit nga ba, Panginoon, sa dami ng taong maaari naming makilala, may mga pusong sa

Read More »

BAKIT LALAYO PA?

 76,816 total reads

 76,816 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 69,660 total reads

 69,660 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top