Panalangin at pagtulong sa mga nasalanta ng bagyong Tisoy, panawagan ng mga Obispo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 710 total reads

Ilan pang obispo ng simbahang katolika ang nagpahayag ng kanilang panalangin para sa kaligtasan ng bansa.

Ito ay kasunod na pananalasa ng bagyong Tisoy lalu na sa malaking bahagi ng Luzon at ilang lugar sa Visayas.

Ayon kay Borongan Bishop Crispin Varquez nawa sa kabila ng malakas na bagyo ay hindi naman ito magdulot ng matinding pinsala sa mga residente ng apektadong lugar.

“Kami po ay nananalangin na bigyan po sila ng pag-asa at matatag na pananampalataya sa gitna po ng kanilang paghihirap ngayon ay nananatili pong matatag at dahan-dahan na makabawi muli sa destruction na nagawa ng Typhoon,” panalangin ni Bishop Varquez.

Ipinapanalangin naman ni San Pablo Bishop Buenaventura Famadico na nawa ay mailayo sa kapahamakan ang mamamayan at walang masawi mula sa kalamidad.

“Ipinapanalangin po namin na sana’y sa kabila ng dumadaan na bagyo ay iligtas mo kami sa lahat ng kapahamakan lalo’t higit yung mga ang tahanan ay hindi matitibay at nawa’y hangga’t maaari ay walang masalanta at walang mamamatay sa sakuna,” ayon kay Bishop Famadico.

Hiling naman ni Gumaca Bishop Victor Ocampo sa mga hindi nasalanta ng bagyo na magpa-abot ng tulong sa mga nangangailangan.

“Ang mga pagsubok na ito ay aming tinitingnan bilang pagiging handa, pagiging mulat sayong pagdating sa panahon ng Adbiyento, alam naming inaasahan ang inyong pagbalik ay abutan kami na may mabuting gawa upang kami ay mapabilang sa iyong mga pinagpala,” panalangin naman ni Bishop Ocampo.

Bago pa man mag-landfall, nagsagawa na ng pre-emptive evacuation ang mga social action centers ng simbahan sa Bicol region at mga kalapit na lalawigan.

Bukod sa paghahanda sa mga isasagawang relief operations nagbukas din ang mga simbahan para sa mga residenteng lumikas dahil sa malalakas na hangin at pagtaas ng tubig.

Batay sa monitoring ng Pagasa Weather Forecasting Center, posibleng sa araw Huwebes lalabas ng Philippine Area of Responsibility ang bagyong Tisoy.

Ayon pa sa Pagasa, may isa hanggang dalawang bagyo pa ang inaasahang papasok sa bansa bago magtapos ang taong 2019.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 12,412 total reads

 12,412 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 98,865 total reads

 98,865 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 136,238 total reads

 136,238 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 167,498 total reads

 167,498 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 239,733 total reads

 239,733 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 212,057 total reads

 212,057 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 353,463 total reads

 353,463 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top