Santa Clara de Asisi Parish sa Isabela, nanawagan ng tulong

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,455 total views

Nanawagan para sa basic needs ang Kura Paroko ng Santa Clara de Asisi Parish sa Santo Tomas, Isabela na patuloy na nag hihirap dahil sa pinsalang idinulot ng bagyong Lawin.

Ayon kay Fr. Bernard Agarpao, bagamat may mga paunang tulong na silang natanggap ay nangangailangan parin ng mga karagdagang pagkain ang kanyang nasasakupan sa parokya.

“Sa kasalukuyan ay basic needs muna kasi sa kasalukuyan taggutom yung mga tao, so una pagkain at kasama na rin siguro kung meron silang maidadagdag yung tubig saka yung pang hygiene nila, gaya ng sabon,” pahayag ng Pari sa Radyo Veritas.

Sinabi rin ni Fr. Agarpao na anumang tulong na maaaring ipagkaloob sa kanila ay lubos nilang ipinagpapasalamat.

Kaya naman hiniling rin nito sa bawat isa na may kakayahang tumulong na magpaabot ng anu man na kanilang maihahandog para sa mga biktima ng bagyong lawin.

“Nananawagan ako na sana sinumang makakatulong dito kahit ano ay pwede nilang ipadala dito pwede na lamang silang kumontak sa aming parokya ni Sta. Clara ng Sto. Tomas para pwede namin silang ma-assist at maipaabot ang kanilang mga gustong ipaabot sa mga mamamayang nangangailangan ngayon dito sa bayan ng Sto. Tomas,” dagdag pa ng Pari.

Ayon sa Department of Social Welfare and Development mahigit 1.2 milyong indibidwal mula sa anim na Rehiyon sa Luzon ang naapektuhan ng kalamidad.

Una nang nakapagpaabot ng P300,000 na tulong ang Archdiocese of Manila, habang P1.6milyon naman ang ibinahagi ng NASSA/Caritas Philippines, at naghatid rin ng 1,000 food packs ang mga Franciscans.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang fourth estate

 41,645 total views

 41,645 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 85,253 total views

 85,253 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 168,949 total views

 168,949 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

SHORT CHANGE

 183,020 total views

 183,020 total views Kapanalig, sinasabi ng Merriam dictionary…, ibig sabihin ng “short change” ay to deprive of or give less than something due: CHEAT Sa kabila

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 310,643 total views

 310,643 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top