Kaluluwa ng mga nasawi sa extra-judicial killings at oplan tokhang, isinama sa dasal ng Simbahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 533 total reads

Isinasama ng Simbahang Katolika sa panalangin nito ngayong buwan ng Nobyembre ang ikapapaya ng kaluluwa ng mga nasa likod ng pamamaslang sa “extra – judicial killing” at lahat ng mga nasasawi dahil sa Oplan Tokhang ng pamahalaan.

Ito ang inihayag ni Diocese of Laoag Bishop Renato Mayugba, ngayong iniaalay ng mga Katoliko ang buong buwan ng Nobyembre sa pananalangin sa lahat ng mga kaluluwa sa purgatoryo at sa mga kaluluwa ng wala ng nakaka – alala sa kanila.

Paliwanag pa ni Bishop Mayugba, gampanin ng Simbahan na ipagdasal ang lahat ng nangangailangan ng ating panalangin, banal man o makasalanan. Pinayuhan rin nito ang lahat na ipanalangin ang kaluluwa ng mga taong patuloy na gumagawa ng krimen na sila ay kaawaan ng Diyos.

“Ang Simbahan ipinagdarasal lahat ng mga namatay, mga banal at kasama na rin ng mga makasalanan. Para sa atin walang banal, walang makasalanan lahat ay nangangailangan ng dasal. Sa buwan ng Nobyembre ating pinag – iisipan ang kamatayan at yan ang nagpapa-alala sa lahat ng gumagawa ng masama lalong – lalo na ang nanakit ng kanilang kapwa at guilty ng tinatawag na gumawa ng pagpatay sa kapwa nila na pinaslang sa tinatawag nating “extra – judicial killing,” bahagi ng pahayag ni Bishop Mayugba sa Veritas Patrol.

Pinaalalahanan rin nito ang mga taong patuloy na kumikitil na magbalik loob sa Diyos lalo’t lahat ng Poong Maykapal ang lahat ng ating ginagawa mabuti man o masama. Dahil aniya, sa huling paghuhukom lahat tayo ay haharap sa Dakilang Hukom na siyang huhusga sa ating nagawa dito sa lupa.

“Alalahanin natin lahat tayo ay haharap sa Diyos na siyang huhusga sa atin at ang Panginoon alam niya lahat ng ginagawa natin. Lahat will be judged by the Most Just Judge, dapat magkaroon tayo ng takot na gumawa ng masama,” giit pa ni Bishop Mayugba sa Radyo Veritas.

Nabatid na mula sa datos ng Philippine National Police sa patuloy nitong operasyon kontra iligal na droga mula July 1 hanggang ika – apat na Linggo ng Octubre 2016, tinatayang mahigit 4,700 na ang naitalang namatay na isinasangkot sa ipinagbabawal na gamot, sa parehong ligal na operasyon ng kapulisan at vigilante killings o hindi maipaliwanag na pagpaslang kasama na ang mga namatay na patuloy na iniimbestigahan.

Samantala, nauna ng nag – alay ng banal na misa at panalangin ang Simbahan sa program nitong “Huwag Kang Papatay” para sa lahat ng nasawi sa laban ng gobyerno sa ipinagbabawal na gamot. Kasabay rin nito ang paglulunsad ng Caritas Manila Restorative Justice Ministry ang SANLAKBAY tungo sa pagbabagong buhay na pinangungunahan ng kanyang Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasaysayang ayaw nating maulit

 112,279 total reads

 112,279 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 156,592 total reads

 156,592 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 206,345 total reads

 206,345 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 365,542 total reads

 365,542 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 387,493 total reads

 387,493 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 329,953 total reads

 329,953 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 436,039 total reads

 436,039 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top