Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 784 total reads

Kapanalig, maraming mga sakit ang hindi nagpapakita ng mga halatang simtomas. May mga sakit, gaya ng mga kaugnay ng mental health, na nangangailangan ng ating mas ibayong pang-unawa.

Ang mental health kapanalig, ayon sa World Health Organization o WHO ay isang estado kung saan ang tao ay may kumpletong pisikal, mental, at sosyal na kaayusan. Sa ganitong estado, ang tao ay kayang maabot ang kanyang potensyal, kayang harapin ang pangkaraniwang problema o stress ng buhay, kayang magtrabaho, at kayang maka-pag-ambag sa lipunan.

Maraming mga sakit na kaugnay sa mental health ang matuturing na “modern-day living diseases.” Ayon sa WHO, halos kalahati ng mga mental disorders ay nagsisimula bago dumating ang edad ng 14. Kaya lamang, maraming mga bansa na may mataas na porsyento ng mga kabataan ay salat sa mga mental health facilities. Isa sa mga pangunahing dahilan ng kamatayan ng mga mamayang may edad 15-29 ay suicide, at mahigit 800,000 ang namamatay dito kada taon sa buong mundo.
Ang ating bansa ang may pinakamababang antas ng suicide sa buong ASEAN. Base sa 2012 datos ng WHO, mga 2,558 ang tinatayang bilang ng suicide sa ating bansa. 550 dito ay babae, at 2008 ang lalake. Ang suicide rate ng ating bansa ay 2.9 kada 100,000 Pilipino.

Ngunit marami pa rin sa atin ang nakakaranas ng depression at anxiety. Ito ay isa sa mga modern-day living diseases na dapat tutukan ng atensyon dahi hindi ito nakikita o “visible to the eye.” Ang mga datos natin dito ay konserbatibo, dahil marami ang ayaw magbahagi ng kanilang nararanasang ibayong kaulungkutan. Ngunit ayon sa 2004 datos ng WHO, tayo ang may pinakamataas na antas nito sa Southeast Asia. Mahigit 4.5 million kaso ng depresyon ang naiulat sa bansa at tatlong porsyento ng Pilipino ang na-diagnose na may depresyon. Marami pa ring mga kaso ng depresyon ang hindi nada-diagnose dahil sa hiya. Sa 90 na may depresyon sa ating bansa, 30 lamang ang maghahanap ng medikal na tulong.

Kapanalig, isa sa mga mahahalagang armas laban sa depresyon ay “compassion.” Ang compassion o pakikiramay kapanalig, ay mabibigyan tayo ng pagkakataon na mapadama sa mga may ganitong sakit na hindi sila nag-iisa. Ang compassion, kapanalig, ay magdadala ng pag-asa.

Ayon sa Octogesima Adveniens, tayo ngayon ay nakakaranas ng bagong kalungkutan kung saan lahat tayo ay parang mga estranghero sa isa’t isa. Sa Populorum Progressio, makikita naman natin ang isang hamon ng paki-iisa sa kapwa. Tinatawag tayo nito na i-welcome o tanggapin ang ating kapwa dahil isa itong paraan ng pagbibigay sa kanila ng proteksyon sa kalungkutan at sa pag-iisa, na nagpapahina ng kanilang “moral resistance.” Nawa’y magbigay sa atin ng liwanag ang mga katagang ito mula sa panlipunang turo ng ating Simbahan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 102,385 total reads

 102,385 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 134,114 total reads

 134,114 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 235,939 total reads

 235,939 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 276,500 total reads

 276,500 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 292,604 total reads

 292,604 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

DOUBLE CRISIS

 102,386 total reads

 102,386 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 134,115 total reads

 134,115 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 235,940 total reads

 235,940 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 276,501 total reads

 276,501 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »
Scroll to Top