Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

“Zero Poverty Rate,”dapat maging panata ng mga Filipino

SHARE THE TRUTH

 280 total views

Ito ang panawagan ng CBCP – Episcopal Commission on the Laity matapos na ilabas ang 2015 Full Poverty Rate ng National Economic Development Authority (NEDA).

Batay sa datos ng NEDA, 21.6 percent o katumbas ng 21.9 milyong Pilipino na ang nasa below poverty line mula sa 101 milyong populasyon ng Pilipinas.

Ayon kay Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, chairman ng komisyon, kailangan hangarin ng pamahalaan na umabot sa “zero” ang poverty incidence sa bansa kung saan mapagkalooban ng hanap – buhay ang mga mahihirap at hindi lamang paasahin sa “dole out system” nang pamahalaan o ang 4 P’s o Pantawid Pamilya Pilipino Program.

“Patuloy nating tulungan ang mga mahihirap at maganda yan kung totoo na bumababa ang bilang ng mahihirap. Kung talagang 21 milyon pa ang mga mahihirap sana ay isulong pa rin ang ‘Zero Poverty’ at dapat na tulungan sila lalong – lalo na sa kanilang ikabubuhay,” bahagi ng pahayag ni Bishop Pabillo sa panayam ng Veritas Patrol.

Nabatid na batay naman sa Philippine Statistics Authority o PSA lumalabas na pinakamalaking poverty incidence ay nasa Autonomous Region in Muslim Mindanao na 66.3 percent partikular sa Lanao Del Sur na may 48.8 percent at sa Eastern Visayas.

Habang hindi naman maikukunsiderang mahirap ang isang pamilya Filipino sa bansa kung kumikita ito ng P21,000 sa loob ng isang taon habang P 25,000 sa Metro Manila.

Samantala, nauna na ring gumagawa ng livelihood programs ang Caritas Margins na kung saan natutulungan nitong ibenta ang mahigit isang libong produkto ng mga micro – entrepreneur sa bansa.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 88,846 total views

 88,846 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 96,621 total views

 96,621 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 104,801 total views

 104,801 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 120,298 total views

 120,298 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 124,241 total views

 124,241 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Economics
Veritas Team

TRAIN law, anti-poor

 39,511 total views

 39,511 total views Dagok sa mga mahihirap na Filipino ang tuluyang pagsasabatas ng tax reform program. Itinuturing ni CBCP Episcopal Commission on the Laity Chairman at

Read More »
Economics
Veritas Team

Kaligtasan ng IDPs, binigyang halaga

 38,503 total views

 38,503 total views Sumentro sa pagtataguyod ng karapatan ng mga internally displaced persons at kahandaan sa gitna ng sakuna ang paggunita sa International Day for Disaster

Read More »
Economics
Veritas Team

OFW bank, suportado ng CBCP-ECMIP

 38,633 total views

 38,633 total views Ikinatuwa ng Catholic Bishops conference of the Philippines – Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People (CBCP-ECMI) ang pagtupad ni Pangulong Rodrigo Duterte

Read More »
Economics
Veritas Team

Sariling komisyon ng mga matatanda

 38,612 total views

 38,612 total views Ito ang hiling ng Federation of Senior Citizens Association of the Philippines, Incorporated sa pamahalaan. Ayon kay FSCAP National Capital Region President Jorge

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top