Pagkalinga sa mga bilanggo, tungkulin ng mga Katoliko’t-Kristiyano

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 802 total reads

Ipinaalala ng isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang isang mahalagang tungkulin ng mga Katoliko’t Kristyano na patuloy na isinusulong ng Simbahang Katolika.

Ayon kay Diocese of Imus Bishop Reynaldo Evangelista, chairman ng CBCP – Permanent Committee on Public Affairs, ang pagdalaw sa mga nasa bilangguan ay bahagi ng 7 Corporal Works of Mercy o Gawa ng Awa ng mga mananampalataya bilang tagapaghatid ng awa ng Diyos.

Ipinaliwanag ng Obispo na bahagi ng gawain ng pagmamahal at pagkalinga sa kapwa na itinuturo ng Simbahan ang pagbisita at pag-aruga sa mga bilanggo sa kabila ng nagawang kasalan at krimen sa lipunan.

“Ito’y bahagi ng kawanggawa na hinihingi sa atin, kasama ito sa mga corporal works of mercy na itinuro mismo at patuloy na itinuturo sa atin ng ating pananampalataya ng Simbahan to visit the imprison, kagaya din ng iba pang mga gawain pagmamahal at pagkalinga sa iba…” pahayag ni Bishop Evangelista sa panayam sa Radyo Veritas.

Iginiit ng Obispo na mahalagang bigyan ng pagkalinga ang mga bilanggo na kaawa-awa at walang dignidad ang kalagayan sa loob ng mga bilangguan.

“Napakahalaga na ating mabigyang pansin at pagkalinga, pagmamahal ang mga preso na nasa piitan, lalo sa ating bansa ay talagang kaawa-awa ang kalagayan ng mga nasa mga piitan, nasa preso dahil congested ang maraming jail at napakahalaga na sila ay ating makalinga at mabigyan ng tulong, kung ano mang paraan na ating maabot sila sa iba’t-ibang paraan…” Dagdag pahayag ni Bishop Evangelista.

Buwan ng Hunyo 2019 ng lumabas sa isinagawang pagsusuri ng Commission on Audit na nanatili ang hindi makataong sitwasyon sa mga bilangguan sa ilalim ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) kung saan naitala ang 439.48-percent ang congestion rate.

Sa panlipunang katuruan ng Simbahan, ang bilangguan ay dapat na magsilbing pansamantalang tuluyan ng mga naligaw ng landas at nararapat na maging daan sa muling pagbabalik ng kabutihan sa puso at isip ng mga nagkasala.

Kaugnay nga nito, layunin ng taunang paggunita ng Prison Awareness Week na pukawin ang damdamin ng mamamayan na bigyang pansin ang kalagayan ng mga bilanggo sa buong bansa.

Tema ng Prison Awareness Week ngayong taon ang “Lord, Thank You For Being Merciful To Me, A Sinner” kung saan nakatakda ang paggunita ng 32nd Prison Awareness Sunday sa ika-27 ng Oktubre.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 11,229 total reads

 11,229 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 46,118 total reads

 46,118 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 82,600 total reads

 82,600 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 100,812 total reads

 100,812 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 184,568 total reads

 184,568 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top