Pamahalaan, hinamong magpatupad ng SRP sa mga produktong mula sa karne ng baboy

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 448 total reads

Inihayag ng Department of Agriculture na umabot sa halos isang bilyong piso ang nalugi kada buwan sa hog industry bunsod ng African Swine Fever (ASF).

Subalit sa monitoring ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) sa buong Pilipinas malaki na ang pinsala ng ASF sa mga nag-aalaga ng baboy partikular na ang mga backyard farmers.

“More or less for two – month time 15 – billion pesos,” pahayag ni Rosendo So, pangulo ng SINAG sa Radio Veritas.

Ipinaliwanag ni So na kabilang rito ang pagbaba ng presyo ng buhay na baboy na binibili ng mga negosyante.

Kaugnay nito nanawagan ang Laban Konsyumer Inc sa pamahalaan na magpatupad ng suggested retail price (srp) sa mga produktong mula sa karne ng baboy sapagkat sa kabila ng pagbaba ng farmgate price nanatiling mataas ang presyo ng karne sa mga pamilihan.

Sa pag-aaral ng L-K-I nasa pagitan ng 100 hanggang 110 piso ang farmgate price ng buhay na baboy o halos 26 na piso ang ibinaba ng presyo subalit nanatili sa halos 250 piso ang kilo ng karne sa mga pamilihan.

Nauna nang inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang concerned government agencies na gumawa ng mga hakbang na mapigilan ang paglaganap ng ASF sa bansa upang maprotektahan ang higit sa 60 porsyentong backyard hog raisers sa Pilipinas.

Naitala ang Pilipinas na ikasampu sa pinakamalaking pork consumer sa mundo habang ikapito naman sa pinakamalaking pork importer.

Nasasaad sa Kawikaan kabanata 27 talata 23 na ang mga alagang hayop ay babantayan tulad ng mabuting pag-aalaga sa kawan ng Panginoon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 10,044 total reads

 10,044 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 45,011 total reads

 45,011 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 81,495 total reads

 81,495 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 99,707 total reads

 99,707 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 183,520 total reads

 183,520 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top