Naaksidenteng CBCP Secretary General, nakalabas na ng ospital

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 322 total views

Nasa ligtas na kalagayan na si Fr. Marvin Mejia, ang Secretary General ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines makaraang maaksidente sa Cairo Egypt habang nagsagawa ng pilgrimage.

Batay sa mensahe ni Fr. Jan Limchua ng nunciature sa Cairo kay Kalookan Bishop Pablo Virgilio David ang Vice President ng CBCP, nakalabas na ng ospital at kasalukuyang nagpapahinga si Fr. Mejia sa tinutuluyang hotel.

Nabatid mula sa pamunuan ng CBCP na kasama sa pilgrimage ang pari sa Holy Land at Egypt nang maaksidente ang sinakyang bus sa Mt. Sinai.

“Hello po bishop (David). I spoke with Fr Marvin thrice today. He is now fine and out of danger, he’s discharged and resting at a hotel,” mensahe ni Fr. Limchua kay Bishop David.

Ayon naman kay Department of Foreign Affairs Assistant Secretary Eduardo Muñez, kasama si Fr. Mejia sa 23 kataong nasugatan sa nasabing aksidente malapit sa St. Catherine Monastery sa Sinai Egypt.

Agad namang nagpaabot ng tulong ang embahada ng Pilipinas at maging ang komunidad ng mga Overseas Filipino Workers sa Cairo sa mga biktima nang dalhin ito sa Sharm-el-Sheik hospital.

“Maybe also good to mention that the Philippine embassy in Cairo is Monitoring closely the situation. They sent personnel from the embassy and also our Filipino ofws in Sharm also assisted them in their needs,” ani ni Limchua.

Nakipag-ugnayan na rin ang travel agency ng grupo sa counterpart nito sa Maynila upang magpaabot ng tulong sa mga pilgrim na naaksidente sa Holy Land.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 203,128 total views

 203,128 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 233,351 total views

 233,351 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 259,996 total views

 259,996 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 354,969 total views

 354,969 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 362,722 total views

 362,722 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top