Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 10,434 total reads

Homiliya para sa Kapistahan ng Pagkakabinyag ng Panginoon, 12 Enero 2025, Lk. 3:15-16,21-22

Hindi si Juan Bautista ang nagbinyag kay Hesus kundi ang Espiritu Santo. Naging okasyon lang ang paglulublob na ginawa ni Juan sa kanya para sa pagbaba ng Espiritu Santo. Ang Espiritu ang pumukaw sa kalooban niya at nagbigay sa kanya ng ganap na pagkamulat kung sino ba siya talaga: hindi lang siya anak nina Jose at Maria, kundi ANAK NG DIYOS! Iyon ang mensaheng ipinamulat sa kanya ng karanasang niyang iyon sa Jordan matapos na babaan siya ng Espiritu: “Ikaw ang ANAK KONG PINAKAMAMAHAL na lubos kong kinagigiliwan.”

Kaya pala kahit nasa apat na ebanghelyo ang kuwentong ito ng pagbibinyag ni Juan kay Hesus sa Jordan, kakaiba ang pagkakakuwento ni San Lukas. Kay San Markos, pagkalublob niya, noon mismong paglabas niya sa tubig, noon bumaba ang Espiritu. Kay San Lukas, hindi kaagad. Tapos na ang ritwal ng paglulublob. Wala na siya sa tubig; nasa isang lugar na siya kasama ang iba pang mga inilublob din ni Juan. Habang nananalangin siya, noon siya binabaan ng Espiritu Santo. Iyon ang naging sandali ng pagkamulat. (Huwag nating kalimutan: kahit Diyos siyang totoo, tao din siyang totoo. Kinailangan din niyang mag-aral, para matuto at unti-unting mamulat. At iyon ang naging papel ni Juan Bautista sa buhay niya. Inihanda siya para sa ganap na pagkamulat sa kung sino talaga siya at kung ano ang misyon niya.)

Ang pagkamulat na ito ang naging batayan ng naging pangunahing mensahe at mabuting balitang hatid niya: ang AMA NAMIN. Hindi lang pala ito panalangin kundi ang pinaka-ubod ng katuruan ni Hesus. Ang AMA NAMIN ay ang turo ni Hesus na dapat isagot ng TAO sa Diyos na kumikilala sa atin bilang kanyang ANAK, sa pamamagitan ng Espiritung gumigising sa ating kalooban kung sino tayo sa mata ng Diyos.

May isang kuwento tungkol sa isang batang kinidnap ng isang babaeng may diprensya sa pag-iisip. Matagal daw siyang pinaghahanap ng tunay na magulang. Lumipas ang panahon, namatay ang babaeng kumidnap sa kanya, at nauwi siya sa bahay-ampunan. Pilit nagpapakabait para ampunin siya. Pero hindi niya alam, umusad ang imbestigasyon at natunton ng pulis ng pulis ang bahay ng kumidnap sa kanya. Napag-alaman na patay na pala ito at ang bata ay dinala ng social welfare sa bahay ampunan. Sa wakas, natunton ng ama ang batang matagal nang nawawala. Nang magtagpo sila, hindi niya sila kilala. Nilapitan siya at tinawag, “Anak!” At nang sandaling iyon, nagising ang loob niya. Niyakap ang lalaking tumawag sa kanya at sinabi niya, “Papa!”
Tama si Juan sa kanyang sinabi—“Hindi ako kundi siya ang magpaparanas sa inyo ng tunay na binyag, ang binyag sa Espiritu Santo. Nilulublob ko kayo sa tubig. Pero ibibigay niya sa inyo ang Espiritu Santo na gigising sa mga puso ninyo kung sino kayo.”

Ang binyag ni Juan ay parang paghuhugas ng kaluluwa. Nilulublob sa tubig ang lumalapit sa kanya para malinis sila sa dungis ng kasalanan. May kundisyon. Parang sinasabing: kung ibig mong kilalanin ka ng Diyos, magpakabait ka muna at magpakabanal. Hindi ganyang ang binyag ng Espiritu.

Sabi nga ni San Pablo sa second reading, “Sumaatin ang kagandahng-loob ng Diyos hindi dahil sa ating mabuting gawa kundi dahil sa kanyang awa. Iniligtas tayo sa binyag ng muling pagsilang at pagpapanibagong dulot ng Espiritu Santo na ibinuhos niya nang lubos sa atin sa pamamagitan ni Hesukristong ating manunubos, upang sa biyaya niya, tayo ay maitawid at gawing tagapagmana ng biyaya ng walang-hanggang buhay.

Huwag nating ibaligtad. Mahal tayo ng Diyos, hindi dahil mabait tayo. Bumabait tayo kapag namumulat tayo kung gaano tayo kamahal ng Diyos. Noon lang lumalabas ang lahat ng maganda, mabuti at totoo sa ating pagkatao.

Hindi pa tapos. Ang pagkamulat kung sino tayo sa mata ng Diyos ay may kasabay na pagkamulat kung sino rin tayo sa isa’t isa, sa bawat kapwa tao: MAGKAKAPATID.

Masaklap ang mga balita tungkol sa mga sunog sa Los Angeles. Sa atin dito sa Caloocan, Malabon, Navotas, kapag nasusunugan tayo—na napakadalas mangyari—hindi lang tayo lumilikas o nagbabakwit. Lumalaban tayo. Apoy ang kalaban. Lumulundag ang apoy kahit malayo pa iyan, lalo na kapag mahangin. Lumilipad ang mga baga, parikpik o tilamsik, ang tinatawag naming alipatu sa Kapampangan. Ito ang nagpapakalat sa sunog at pwedeng maging simula ng mga bagong sunog kahit malayo. Sino ang papatay sa mga bagang tumitilamsik at ipinapahid ng hangin kung lumikas na lahat ng tao? Hindi ang mga bumbero dahil busy sila sa malaking sunog. Kailangan nila ng back-up. Kailangan ng bayanihan. Oo, ilikas ang matatanda at bata, ang mga malalakas ay magbayanihan, lumaban, huwag magpanic, huwag magkanya-kanya. Magkakapatid tayo. Lakasan ang loob, huwag kumilos na nag-iisa. Tulad ng sa traslacion, sama-sama, magtulungan, magbayanihan. Kung lalaban tayo nang sama-sama, kakayanin natin. Kasi ramdam natin ang tinig ng Diyos: Kayo’y mga Anak ko. At ang sagot natin ay: “IKAW AY AMA NAMIN; AT KAMI AY MAGKAKAPATID!”

Baby Bishop course sa Vatican, nagsimula na

 38,138 total reads

 38,138 total reads Ibinahagi ni Radio Veritas Vatican Correspondent Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston, Rector ng Pontificio Collegio Filipino sa Roma ang pagsisimula ng formation course

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 190,413 total reads

 190,413 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 225,087 total reads

 225,087 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 240,987 total reads

 240,987 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 277,474 total reads

 277,474 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 284,665 total reads

 284,665 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

NOT CHRISTMAS YET

 1,495 total reads

 1,495 total reads Do not tell me Christmas has come with September, while monsoon skies are breaking and the rivers leave their beds. Do not hang

Read More »

JESÚS BALMORI: A POET IN LA LOMA

 735 total reads

 735 total reads I learned something quite unexpected yesterday about the La Loma Catholic Cemetery, which is now under the administration of the Diocese of Kalookan.

Read More »

DEFIANCE: BEYOND RESILIENCY

 774 total reads

 774 total reads For years we Filipinos have been praised for our “resilience.” A typhoon comes, our homes are flooded, our crops are destroyed, our roads

Read More »
Scroll to Top