Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Paglago ng ekonomiya ng Pilipinas, kasinungalingan.

SHARE THE TRUTH

 301 total views

Ipinagtataka ng Obispo ng Cubao ang patuloy na paglago ng ekonomiya ng bansa.

Ayon kay Cubao Bishop Honesto Ongtioco, kabaliktaran ang sinasabi ng survey na lumago ang ekonomiya ng Pilipinas ng 7-porsiyento sa katotohanang marami pa rin ang bilang ng mga nagugutom na pamilyang Pilipino at mga walang trabaho.

Sinabi ni Bishop Ongtioco na repleksyon dapat ng isang maunlad na bansa ay ang kabawasan sa bilang ng mga Pilipinong kumakalam ang sikmura.

Iginiit ni Bishop Ongtioco na mayayamang negosyante at kapitalista lamang ang nakikinabang sa paglago ng ekonomiya at hindi nararamdaman ng mga mahihirap ang Trickledown Theory na naunang binanggit ni Pope Francis.

Binigyan diin ng Obispo na dapat maipa – abot ang serbisyo publiko sa mga pinakamahihirap na miyembro ng lipunan.

“Kapag sinabing maraming nagugutom dumadami ibig sabihin hindi lahat ng tao nakikinabng sa ekonomiya, ilan lang siguro, yun ang dapat bigyan ng pansin. Sa pagsisikap nating pagandahin ang ekonomiya hindi lamang yung konti ang nakikinabang ngunit marami, lahat, kung lahat ay mababawasan ang nagugutom,” pahayag ni Bishop Ongtioco sa panayam ng Veritas Patrol.

Bago naman bumaba sa pwesto si Pangulong Benigno Aquino III nakapagtala lamang ng 7 porsyento ng paglago sa ekonomiya, kung saan nalampasan pa ng bansa ang karatig nitong rehiyon sa Asya sa unang quarter ng 2016.

Batay naman sa survey ng Social Weather Stations (SWS), mula sa 2.6 million na pamilyang nagugutom sa huling bahagi ng 2015 ay tumaas ito sa 3.1 million sa unang quarter ng 2016. Lumabas din sa survey ng S-W-S sa unang quarter ng taong 2016 na pumalo sa mahigit 11-milyong Pilipino ang walang trabaho. Nakapagtala naman ang Hapag – Asa ng Archdiocese of Manila ng mahigit sa 1-milyong benepisyaryo nito sa feeding program lalo na sa mga pinakamahihirap na diyosesis sa bansa.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

CLIMATE CRISIS

 10,582 total views

 10,582 total views Nakakalungkot Kapanalig, tila hindi natin nauunawaan ang “climate crisis”, o nauunawaan man natin, wala lang tayong pakialam? Ito po ay sitwasyon na nagbabadya

Read More »

NUMERO

 22,065 total views

 22,065 total views Kawawang mga Pilipino, ganito lang tayo tinitingnan ng mga politiko sa panahon ng eleksyon, pagkatapos ng halalan… walang na tayong numero… wala na

Read More »

UNAWAIN AT MAGTIIS

 37,754 total views

 37,754 total views Kapanalig, anumang contingency plans ang gagawin ng pamahalaan sa “Edsa rehabilitation project” sa kalagitnaan ng buwan ng Hunyo, 2025, inaasahan na natin ang

Read More »

Tunay na boses ng kabataan

 38,502 total views

 38,502 total views Mga Kapanalig, hindi ipinroklama ang Duterte Youth bilang isa sa mga nanalong party-list groups sa nagdaang halalan. Halos dalawang milyon ang bumoto sa

Read More »

Anong solusyon sa edukasyon?

 48,061 total views

 48,061 total views Mga Kapanalig, tinuruan tayo ni Pope Benedict XVI sa kanyang liham na Caritas in Veritate na ang pag-unlad o development ay hindi nasusukat

Read More »

SPECIAL ANNOUNCEMENT

One Godly Vote
Simbahan at Halalan - Mid Term Election 2025
Click Here
Jubilee Pilgrimage
Veritas Eucharistic Advocate Pilgrimage
Click Here
Previous slide
Next slide

Related Story

Latest News
Veritas Team

AVT Liham Pastoral: Pumili ng Maayos

 25,063 total views

 25,063 total views AVT Liham Pastoral: Pumili ng Maayos “Saksi ko ang langit at lupa na ngayo’y inilahad ko sa inyo ang buhay at kamatayan, ang

Read More »
Cultural
Veritas Team

Bayanihan, tema ng PCNE 10

 107,610 total views

 107,610 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE)

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top