246 total views
Tutulong ang Apostolic Vicariate of Jolo, Sulu upang tiyakin ang kaligtasan ng mga mamamayang kanilang nasasakupan sakaling sumiklab ang kaguluhan sa lalawigan sa pagitan ng mga militar at grupo ng Abu Sayyaf.
Ayon kay Sr. Ramona Tendon – Social Action Directress ng Apostolic Vicariate of Jolo, Sulu may mga nakahandang plano ng paglikas para sa mga residente na maiipit sa gitna ng kaguluhan lalo’t inaasahan ang pagpapaigting ng operasyon ng mga militar laban sa terorostang grupo sa Jolo.
“We have our own ano, we have our instructions, we have our guidelines what we will do if in case, yan po ang aming ano para bang our in case of emergency what shall we do, we prepare our own community..” Ang bahagi ng pahayag ni Sr. Tendon sa panayam ng Radio Veritas.
Kaugnay nito, ayon sa ulat ng Armed Forces of the Philippines, mula February 2012 hanggang April 15, 2016 nasa 13 ang mga banyagang bihag ng Abu Sayyaf Group kabilang na ang 2 Canadians na pinugutan ng mga ito dahil sa bigong magbayad ng ransom.
Batay naman sa datus ng Internal Displacement Monitoring Center tinatayang may 1.9 na milyong tao na naapektuhan ng may 40 taon ng kaguluhan at hidwaan sa Mindanao.
Una ng inihayag ng Kanyang Kabanalan Francisco na ang lahat ay tinatawagan para sa kapayapaan at iwaksi ang digmaan na hindi lamang nakakaapekto sa bayan kundi higit sa mga mamamayan.