Korupsyon at criminal justice system, tutukan sa halip na death penalty

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 404 total views

Hindi pa rin malutas ang tunay na problema sa bansa, ang korupsyon at ang criminal justice system na dapat pag-ukulan ng pansin ng gobyerno sa halip na ibalik ang parusang bitay.

Inihalimbawa ni Buhay Partylist rep. Lito Atienza, ang mga napapatay ngayon na sangkot sa iligal na droga ay pawang maliliit subalit ang mga isinasangkot na malalaking tao mismo ng Pangulong Duterte, idinadaan sa due process.

“Ang tunay na problema hindi maasikaso. Ang tunay na problema ay ang ating corrupt, criminal justice system na hindi gumagana ng tama, mula sa arrest, prosecution, trial, detention, nakakawala ang mga guilty at yung maliliit na kriminal sila lang nahuhuli, kitang kita natin ngayon example ko malilit na sangkot sa droga pinapatay mahigit 100 na, pero yung mga heneral na sinasangkot by no less than the President of the land, ano ginagawa questioning tinatanong lang, nakikita natin ang problema ang sagot natin dito death penalty, bakit di tumbukim ang problema, parang duling ang criminal justice system, ang mga mayayaman nakakawala, pero yung mahihirap sila lang napaparusahan.” Ayon pa kay Atienza.

Kaugnay nito, ayon kay Atienza, malakas ang dating ng inihaing panukala sa Kamara para sa pagbabalik ng parusang kamatayan sa bansa.

Ayon kay Atienza, ito’y dahil maliban sa House Bill number one, ito ay suportado pa ng Pangulong Duterte maliban pa sa maraming mga mambabatas ang bumaligtad na rin ngayon.

Dahil dito, nananawagan si Rep. Atienza sa publiko na magmuni-muni at manalangin na huwag pahintulutan ang ganitong uri ng batas na sisira sa buhay.

“Talaging malakas ang dating ng panukalang yan dahil kagusutuhan ng pangulo now at maraming congressmen na nagbalimbing na, matindi ang laban kaya ang aking dasal at pakiusap magmuni-muni samahan ng dasal ang ating desisyon at di magpatuklas sa sinasabsing matikid, madilim na landas na sisira sa atin pagpapahalag sa buhay, ang sabi ng Santo Papa let’s not support the culture of death.” Payahag ni Atienza sa panayam ng programang Veritas Pilipinas.

Nito lamang nakalipas na dalawang buwan, nasa higit 50 ang napatay sa operasyon kontra bawal na gamot habang sa unang quarter ng taon mahigit 11,000 ang sumuko at mga naarestong drug pushers at drug users.

Una ng inihayag ng Santo Papa Francisco na ang lahat ay may karapatang magbago lalo na ang mga nalululong sa bawal na gamot subalit kinakailangan ang suporta sa kanila ng lipunan at ng kanilang pamilya para sa tuluyan nilang paggaling na makatutulong sa pag-unlad ng kanilang sarili at ng komunidad.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ibinasurang paraiso

 16,644 total views

 16,644 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 44,995 total views

 44,995 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 112,725 total views

 112,725 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 135,876 total views

 135,876 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 204,882 total views

 204,882 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 149,305 total views

 149,305 total views AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 313,226 total views

 313,226 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top