Pagmamahalan at pagpapatawad, hamon ni Cardinal Advincula sa pamilyang Pilipino

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 8,878 total reads

Ipinaalala ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula sa mga pamilya na paigtingin ang pagmamahalan at paghariin ang pagpapatawad sa puso.

Ito ang mensahe ni Caridnal Advincula sa fiesta mass ng Holy Family Parish ng Diocese of Novaliches.

Ayon kay Cardinal Advincula, katulad ng kasagraduhan ng Holy Family si Jesus, Maria at Joseph ay patuloy na mamayani ang pagmamahalan ng bawat kabilang sa pamilya.

“Nagpapasalamat tayo sa Panginoon sa pagtipon niya sa atin bilang kaniyang pamilya upang kaniyang busugin ng kaniyang salita at katawan, at dugo, mahalaga ang pamilya, kahit ang Diyos, ng pinili niyang magkatawang tao, pinili niyang maging bahagi ng isang pamilya, pinili niyang manahan sa sinapupunan ng ina, sa siyam na buwan upang maging bahagi ng isang pamilya, umuuwi tayo sa pamilya kapag nasasaktan tayo, nagugutom, naguguluhan sa mga pangyayari sa buhay, tahanan ang ating uwian bilang pamilya,” ayon sa pagninilay ng Arsobispo.

Tiniyak naman ng Diocese of Novaliches ang pagsusulong sa kasagraduhan at kahalagahan ng pamilya bilang pundasyon ng lipunan.

Ayon kay Novaliches Bishop Roberto Gaa, mahalagang mapanatili ang pagkakaisa at pagtutulungan ng pamilya upang malampasan ang anumang pagsubok.

“Paanyaya po ng ating kapistahan ay tayo ay tunay na mabuo at magkaisa sa pamilya, isabuhay ang pagpapahalaga, isabuhay ang ugnayan sa pamilya para tunay nating mapanatili ang pagiging pamilya, siguro unang-unang kilalanin muna si Maria, pati si Hesus paano nga ba sila namuhay dito sa lupa? para alam natin kung sino yung gagayahan natin at tutularan natin at tayo din ay maging halimbawa sa ating kapwa,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Bishop Gaa.

Nangako din si Fr. Wilmer Samillano Sch. P, na bilang pastol ay titiyakin na mananatiling sagrado ang pamilya sa pamamagitan ng pagdedebosyon sa mga katuruan ng Holy Family.
Inihayag ng Pari na kung magiging masaya at matatag ang pamumuhay ng isang pamilya kung naka-sentro sa panginoon ang kanilang pamumuhay sa gitna ng maraming banta na maaring sumira dito.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 22,591 total reads

 22,591 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 59,992 total reads

 59,992 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 78,203 total reads

 78,203 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 162,531 total reads

 162,531 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 198,842 total reads

 198,842 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Bishop Presto, nakiisa sa mga binaha

 20,237 total reads

 20,237 total reads Nakikiisa si San Fernando-La Union Bishop Daniel Presto sa mga Pilipinong nakararanas ng matinding pagbaha at iba pang epekto ng masamang panahon, habang

Read More »
Scroll to Top