Pagnakaw ng kagamitan ni San Miguel Archangel, ikinalulungkot ng pamunuan ng Diocesan Shrine of San Miguel Archangel parish

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 9,160 total reads

Naglabas ng opisyal na pahayag ang pamunuan ng Pandiyosesis na Dambana at Parokya ni San Miguel Arcangel sa San Miguel, Bulacan ukol sa pagnanakaw ng mga sagradong gamit ng kanilang patron na si San Miguel Arcangel.

Ayon sa ulat ng pamunuan ng dambana sa pangunguna ng Rektor at Kura Paroko nito na si Rev. Fr. Avelino Sampana at Bikaryo ng Parokya na si Rev. Fr. Philip Faustino Volante, natuklasan ang pagkawala ng mga nasabing gamit noong Abril 4, 2026, bandang alas-9 ng umaga.

Kabilang sa mga ninakaw ang pakpak, kalasag, sibat at espada na pawang yari sa pilak na itinuturing na mahalagang bahagi ng debosyon at pananampalataya ng mga deboto.

Paliwanag ng dambana ang naturang mga gamit ay mahalagang simbolo ng debosyon ng mga mananampalataya sa bayan ng San Miguel at bahagi rin ng kasaysayan na hindi matutumbasan ng anumang halaga.

“Lubos naming ikinalulungkot na ipaalam sa publiko ang naganap na pagnanakaw sa mga sagradong gamit ni San Miguel Arcangel. Natuklasan ang pagkawala ng mga nasabing gamit ngayong Abril 4, 2026 sa ganap na ika-9 ng umaga. Ang mga gamit na ito ng ating Patrong Sakdal Giting ay ang Pakpak, Kalasag, Sibat at Espada na pawang mga gawa sa pilak. Ang mga ito ay simbolo ng debosyon ng ating bayan at bahagi ng kasaysayan at pananampalataya ng mga taga San Miguel na hindi matutumbasan ng anumang halaga.” Ayon sa pahayag ng dambana.

Pagbabahagi ng pamunuan ng dambana, agad na nakipag-ugnayan ang parokya sa San Miguel Police Station upang magsagawa ng imbestigasyon hinggil sa insidente.

Nananawagan din ang pamunuan ng Pandiyosesis na Dambana at Parokya ni San Miguel Arcangel sa San Miguel, Bulacan sa sinumang may impormasyon na makipag-ugnayan sa Simbahan o sa mga awtoridad upang mapabilis ang paglutas sa kaso at maibalik ang mga sagradong gamit ng patron.

“Kasalukuyan na po kaming nakikipagtulungan sa San Miguel Police Station para sa agarang imbestigasyon ng insidente. Kami ay nananawagan sa sinumang may impormasyon na makipag-ugnayan sa amin o sa mga awtoridad.” Dagdag pa ng dambana.

Nagsusumamo rin ang pamunuan ng dambana sa kung sino ang kumuha o may hawak sa mga gamit ng patron na igalang ang kasagraduhan nito at hiniling na kung maaari ay ibalik na lamang ito nang lihim sa pintuan ng Simbahan.

Ayon sa dambana, hangad ng Simbahan ang ligtas na pagbabalik ng mga nawawalang gamit ni San Miguel Arcangel na patron ng bayan.

“Para sa mga taong kasalukuyang may hawak ng mga gamit na ito: Kami ay nag-susumamo na inyong igalang ang kabanalan ng mga ito. Maaari niyong ibalik ang mga gamit nang lihim sa pintuan ng simbahan. Ang aming hangad ay ang ligtas na pagbabalik ng mga sagradong kayamanang ito. Hinihiling din namin ang panalangin ng bawat isa para sa mabilis na pagresolba ng sitwasyong ito.” Ayon pa sa dambana.

Samantala, humihiling din ng panalangin ang pamunuan para sa agarang resolusyon ng insidente kasabay ng pananawagan para sa pagkakaisa at pananalig ng komunidad sa gitna ng insidente.

Mga sakristan, pinaalalahanan ni Bishop Gaa

 13,353 total reads

 13,353 total reads Pinaalalahanan ni Novaliches Bishop Roberto Gaa ang mga sakristan na huwag ituring na simpleng ritwal o pagsunod sa mga alituntunin ang kanilang paglilingkod

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NEW NORMAL

 50,297 total reads

 50,297 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 144,524 total reads

 144,524 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 205,017 total reads

 205,017 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 218,924 total reads

 218,924 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

PAANO GINASTOS ANG PERA

 298,893 total reads

 298,893 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top