Pagnilayan ang mga iboboto sa Midtern election, paalala ng Stella Maris sa mga OFW, seafarer at migrante

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,176 total views

Nanawagan si Stella Maris Philippines CBCP-Bishop Promoter Antipolo Bishop Ruperto Santos sa mga Overseas Filipino Workers (OFW), Filipino Migrants at Seafarers na pagnilayan ang mga ibobotong susunod na lider ng Pilipinas sa nalalapit na 2025 midterms election.

Ayon sa Obispo, nawa sa May 12 na araw ng botohan ay alalahanin ng bawat Pilipino ang 4Ps o ang Programa para sa trabaho, Pangangalaga sa buhay at inyong mahal sa buhay na naiwan, Paggalang sa inyo at sa inyong karapatang pantao at ang Pagpaparusa sa mga nanglilinlang, umaabuso at nagpahamak sa inyo.

Ayon pa kay Bishop Santos, sa panuntunan naman ng 4PS ay dapat alalahanin ng mga Pilipino na iboto ang mga kandidatong may matibay na mga programa tungo sa pagpapaunlad sa buhay ng mga manggagawa at OFW upang matiyak na patuloy ang pag-unlad ng sektor.

Ito ay ang pagpili sa mga kandidatong magbibigay proteksyon sa kapakanan o karapatan ng bawat Pilipino kasunod ng pagpili sa mga mayroong respeto at tunay na pakikiisa sa sa mga sa mga OFW at Filipino Migrants, at ang huli ay ang pagpili sa mga lider na gagamitin ang batas upang makamit ang tunay na katarungan at mailayo ang mga Pilipino sa anumang uri ng kapahamakan

“Our vote shapes our future. It is similar to planting seeds that will yield the harvest we hope for. The leaders we elect will have an undeniable impact on our lives. For the sake of a bright, peaceful, and prosperous future, let us reflect and pray earnestly before making our choices,” ayon sa mensaheng ipinadala ni Bishop Santos sa Radyo Veritas.

Kasunod ito ng paalala ni Bishop Santo sa pagpapahalaga sa Karapatan, Katungkulan at Kinabukasan ng bawat Pilipino sa halalan.

Ito ay dahil bilang Pilipino, karapatan ng bawat isa na bumoto na naayon sa kanilang marangal na pagpili ng hindi nakakaranas ng anumang paniniil, kasunod ito ng katungkulan ng bawat Pilipino na bumoto gamit ang isip at puso dahil ito ay isang napalakaking responsibilidad na magpapanitili o makakapagpabago sa kinabukasan ng sambayanan at ikatlo ay dahil nakasalalay ang kinabukasan ng bawat Pilipino sa mga ihahalal sa Midterm Elections

“Those we elect must be individuals of integrity and goodwill, prioritizing the welfare of others above personal or familial interests. They must dedicate their time and energy to promoting the common good, ensuring your repatriation when needed, providing equal employment opportunities, and not promoting our nation as a country that is reputable for manpower export,” ayon pa sa mensaheng ipinadala ni Bishop Santos sa Radio Veritas.

Ipinaparating din ni Bishop Santos ang pasasalamat sa mga OFW, Filipino Migrants at Seafarers na patuloy na nagsasakripisyo upang masuportahan ang kanilang pamilya o mahal sa buhay na naiiwan sa Pilipinas na tinutulungan din ang ekonomiya ng Pilipinas na umunlad sa pamamagitan ng kanilang remittance rate.

Sa pinakahuling tala ng Philippine Statistics Authority, umaabot sa 2.16-million ang bilang ng mga OFW sa ibayong dagat, habang noong 2024 umabot sa 38.3-Billion US Dollar na katumbas ng 2.2-Trillion Pesos ang kabuoang Remittance Rate ng mga OFW.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang bayanihan

 141,435 total views

 141,435 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Mga kamay na punô ng dugo

 163,545 total views

 163,545 total views Mga Kapanalig, hindi nakikinig ang Diyos sa mga panalangin ng mga taong nagsisimula ng digmaan. Tinatanggihan Niya ang mga dasal na ito.  Ganito

Read More »

Isa pang state of emergency

 236,817 total views

 236,817 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 229,503 total views

 229,503 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top