28,747 total views
Ibinahagi ni Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown ang kagalakan at pasasalamat sa pakikiisa sa ika-72 taong pagkakatatag ng Caritas Manila.
Inihayag ng Papal Nuncio na nararapat pasalamatan ang panginoon sa mabuting gawain at paglilingkod sa mga nangangailangan na naisakatuparan ng Caritas Manila sa nakalipas na pitong dekada.
“I’m very happy as your Apostolic Nuncio be here present for this wonderful celebration of the 72nd founding anniversary of Caritas Manila. We thank God for all the good work done over these 72 years,” pahayag ni Archbishop Brown sa panayam ng Radyo Veritas
Pinasasalamatan din ni Archbishop Brown ang mga volunteer na nagsakripisyo ng kanilang oras at talento upang maisakatuparan ang mga pro-poor program gayundin ang mga donor at benefactors na walang sawang sumusuporta sa misyon ng Caritas Manila
Ipinagdarasal din ng Papal Nuncio na pagpalain ng Panginoon ang lahat ng katuwang ng Caritas Manila at patuloy silang gabayan ni Mahal na Inang Maria sa kanilang paglilingkod para sa mahihirap.
“We thank God, in a very special way, for all the volunteers who participate in the work of Caritas. And, in a very special way, for the benefactors who support the work of Caritas. May God bless each and every one of you [and] may Our Lady; Mama Mary watch over you,” bahagi pa ng panayam ng Radyo Veritas kay Archbishop Brown.
Ang ika-72 taong anibersaryo ng pagkakatatag ng Caritas Manila ay pinangunahan ni Archbishop Brown, Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula, Caritas Manila executive director Father Anton CT Pascual, Radyo Veritas President Fr.Roy Bellen.






