Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagpapalaganap ng kindness station, ipinagdarasal ng Caritas Philippines.

SHARE THE TRUTH

 411 total views

Pinuri ng NASSA / Caritas Philippines ang inisyatibo ng mga nagpasimula ng community pantry sa iba’t ibang bahagi ng bansa sa gitna ng panahon ng pandemya.

Ayon kay Caritas Philippines National Director Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, kamangha-mangha ang pagpapamalas ng pagkakaisa, pagtutulungan, kabutigan at pagbibigayan ng lahat sa komunidad upang makatulong sa mga nangangailangan at kapos sa buhay.

“we are very happy and thankful that our communities never cease to bring out the innate generosity, kindness and compassion in everyone even at a time when poverty is most visible.” Ang bahagi ng pahayag ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo.

Ibinahagi ng Obispo na ang ipinapamalas na pagbabayanihan ng mamamayan sa gitna ng pandemya ay isang maka-Kristiyanong paraan ng pagtugon sa pangangailangan ng kapwa.

Paliwanag ni Bishop Bagaforo, may kapangyarihan ang bawat isa na maging daluyan ng awa at pagmamahal ng Panginoon upang mapagaan ang pinagdadaanan ng kapwa.

Dahil dito umaasa ang Obispo na magpatuloy ang mabuti at kahanga-hanggang inisyatibong ito ng mga mabubuting indibidwal, grupo, samahan, pamilya at komunidad upang matiyak ang kapakanan at kabutihan ng kapwa.

“As a people, we are powerful. Hence, we continue to call on all individuals, families and communities to establish these kindness stations or whatever you want to call it. The important thing is, as a Christian nation, we collectively look and reach out for our neighbors. At Caritas Philippines, we call it alay kapwa,” Dagdag pa ni BIshop Bagaforo.

Sa kasalukuyan may aabot na sa halos 80 ang mga community pantry na itinayo sa iba’t ibang lugar sa bansa mula ng nagsilbing huwaran ang Maginhawa Community Pantry sa Maginhawa, Quezon City na nagsimula noong ika-14 ng Abril, 2021.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

kabaliwan

 40,160 total views

 40,160 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 56,248 total views

 56,248 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 93,728 total views

 93,728 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 104,679 total views

 104,679 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

SLP, pinaghahandaan ang ika-75 anibersaryo

 17,745 total views

 17,745 total views Pinaghahandaan na ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang pagdiriwang sa ika-75 anibersaryo nito sa darating na Oktubre, 2025. Ayon kay LAIKO National President

Read More »
Scroll to Top