Caritas network at Social Action Centers, nagsasagawa ng assessment sa pinsala ng bagyong Bising

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 858 total reads

Magsasagawa ng assessment ang mga tanggapan ng Caritas Network at Social Action Center sa iba’t-ibang lalawigan na naapektuhan ng bagyong Bising upang malaman ang lawak ng naging pinsala nito.

|Ito ay matapos na manalasa sa ilang lalawigan sa Bicol Region at Samar Province ang bagyo na itinuring na pinakamalakas na nabuo ngayong taon ngunit hindi naman direktang tumama sa kalupaan ng Pilipinas.

Ayon kay Rev. Fr. Renato Dela Rosa ng Diocese of Virac sa Catanduanes, naghanda na sila ng mga relief goods na maaring ipamigay sa mga naapektuhang residente.

Magugunitang noong taong 2020 ay labis na napinsala ng bagyong Rolly ang lalawigan dahilan upang hindi pa tuluyang makabangon ang marami sa mga residente.

Sa Diocese ng Legaspi sa Albay, inihayag ng bagong talagang Social Action Director nito na si Rev. Fr. Eric Martillano na nakikipag-ugnayan na sila sa lokal na pamahalaan at iba’t-ibang mga parokya upang alamin ang naging pinsala ng bagyo.

Ilan aniya sa mga residente ang inilikas dahil sa pagbaha at pagguho ng lupa.

“Simula kagabi hanggang ngayon, moderate to heavy ang ulan all over Albay.. May mga evacuees since yesterday especially sa mga areas na flood and landslide prone.”

Kaugnay nito maagap din na nakipag ugnayan ang Caritas Caceres sa lalawigan ng Camarines Sur upang matiyak na mababantayan ang naging epekto ng bagyong Bising.

Sinabi ni Caritas Caceres Director Rev. FR. Marc Real na una na nilang hiniling sa mga Parokya sa Archdiocese na buksan ito para sa mga residente na naapektuhan ng bagyo.

“We have a few parishes who reported to house evacuees already. We have sent communication to our priest to open their churches/parish hall as temporary shelter. We promised to send them assisstance once we gather data.” Pahayag ni Fr. Real.

Sa kasalukuyan ay patuloy na nagbabanta ang bagyong Bising sa ilang mga lalawigan sa hilagang silangan ng Luzon bagamat bahagyan na itong humina.

Batay sa datos noong taong 2020 kung saan naranasan sa bansa ang pananalasa ng bagyong Rolly ay umabot sa mahigit 385 libong indibidwal ang naapektuhan nito partikular na sa Bicol Region.

Philippine delegate sa COP31, dismayado

 37,368 total reads

 37,368 total reads Dismayado ang ilang delegado ng COP31 na ginanap sa Turkiye dahil sa pag-atras ng mga napagkasunduang hakbang para tugunan ang climate change. Sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi krimen ang magprotesta

 77,662 total reads

 77,662 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 198,240 total reads

 198,240 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 248,598 total reads

 248,598 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 374,947 total reads

 374,947 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 122,542 total reads

 122,542 total reads Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top