Pagpapalakas ng pamilya, panawagan ng Santo Papa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 33,729 total reads

Nanawagan si Pope Leo XIV na pagtuunan ng pansin ang pagpapalakas ng pamilya bilang haligi ng lipunan at pananampalataya.

Sa kanyang mensahe sa mga guro at mag-aaral ng Pontifical John Paul II Theological Institute sa Vatican, sinabi ng Santo Papa na tungkulin ng lahat na alagaan, ipagtanggol, at itaguyod ang pamilya sa lahat ng panahon.

Ayon sa Santo Papa, nasusukat ang tunay na kaunlaran ng isang bansa sa paraan ng pagpapahalaga nito sa pamilya, tulad ng pagbibigay ng panahon, maayos ang kabuhayan, at matibay ang samahan.

“The quality of a country’s social and political life is measured particularly by how it allows families to live well, to have time for themselves, and to cultivate the bonds that keep them united,” ayon kay Pope Leo XIV.

Dagdag pa ng pinunong pastol na sa panahon ngayong abala ang marami sa trabaho at teknolohiya, mahalagang ibalik ang pagbibigay halaga sa pagmamahalan at pagkakaisa sa loob ng tahanan.

Nanawagan din ang Santo Papa sa pamahalaan at sa Simbahan na suportahan ang mga magulang, lalo na ang mga inang nagbubuntis na madalas nakararanas ng pag-iisa at hirap.

“Concrete initiatives are necessary, policies that guarantee adequate living and working conditions; formative and cultural initiatives that recognize the beauty of generating together; and pastoral care that accompanies women and men with closeness and listening,” ayon pa sa Santo Papa.

Binigyang-diin ni Pope Leo na ang pamilya ang unang paaralan ng pagmamahalan, pananampalataya, at pagkakaisa, kung saan natututo ang bawat isa ng paggalang, pakikinig, at malasakit sa kapwa.

Hinikayat ng Santo Papa ang lahat na patuloy na palakasin ang pamilya sa tulong ng pananampalataya kay Kristo, na siyang nagbibigay ng pag-asa at lakas sa bawat tahanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 7,603 total reads

 7,603 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 42,787 total reads

 42,787 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 79,271 total reads

 79,271 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 97,482 total reads

 97,482 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 181,407 total reads

 181,407 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top