Caritas Philippines, DPWH at Mayors for Good Governance, lumagda sa kasunduan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 27,930 total views

Lumagda ng kasunduan ang Caritas Philippines, ang humanitarian at development arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP, kasama ang Department of Public Works and Highways at ang Mayors for Good Governance upang palakasin ang transparency, accountability, at tapat na pamamahala sa mga proyektong pang-imprastraktura sa buong bansa.

Sa ilalim ng Memorandum of Cooperation, layunin ng kasunduan na magkaroon ng mas matibay na pagtutulungan at palitan ng impormasyon sa pagitan ng DPWH, Caritas Philippines, mga lokal na pinuno, at mga civil society organizations.

Kasama sa mga napagkasunduan ang pagtatatag ng mekanismo para sa pag-uulat at beripikasyon ng mga iregular o ghost projects, pagbibigay ng bukas na access sa impormasyon hinggil sa pondo, kontratista, at estado ng proyekto, at paghikayat sa mamamayan na makibahagi sa pagsubaybay ng mga programa ng pamahalaan.

Ipinahayag naman Bishop Jose Colin Bagaforo, pangulo ng Caritas Philippines, na sa tulong ng Social Action Ministry sa iba’t ibang diyosesis, makikilahok ang simbahan sa pagbabantay sa mga proyekto ng gobyerno upang matiyak ang maayos at tapat na paggamit ng pondo ng bayan.

“We will help monitor government projects—especially those that may be identified as ghost or substandard projects,” ayon kay Bishop Bagaforo.

Sa pamamagitan ng kasunduang ito, pinagtitibay ng Caritas Philippines ang kanilang misyon na isulong ang integridad, pananagutan, at mabuting pamamahala upang matiyak na ang mga proyekto ng pamahalaan ay tunay na nagsisilbi sa kapakanan ng mga Pilipino, lalo na sa mga mahihirap at nasa laylayan ng lipunan.

“Through this collaboration, Caritas Philippines reaffirms its mission to uphold integrity and social accountability in development work—ensuring that public resources genuinely serve the Filipino people, especially the poor and marginalized,” ayon pa sa pahayag ng Caritas Philippines.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

ACCOUNTABILITY

 19,435 total views

 19,435 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 89,548 total views

 89,548 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 164,162 total views

 164,162 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 244,240 total views

 244,240 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 286,623 total views

 286,623 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top