Karahasan sa San Fernando El Ray parish, kinundena ng Archdiocese of Cebu

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 42,911 total views

Mariing kinondena ng Archdiocese of Cebu ang karahasang naganap sa loob ng San Fernando El Rey Parish sa Liloan, Cebu noong Oktubre 24, 2025, kung saan isang babae ang natagpuang patay sa loob mismo ng simbahan.

Sa opisyal na pahayag ni Archbishop Alberto Uy, ipinahayag niya ang matinding dalamhati at pakikiisa sa pamilya ng biktima.

“We unite in prayer for the victim’s family as we condemn in the strongest terms this act of violence committed within the very house of God,” ani Archbishop Uy.

Batay sa paunang imbestigasyon, isang babae ang natagpuang walang buhay sa likurang bahagi ng simbahan, may sugat sa ulo at mga galos sa leeg na palatandaan ng pananakal.

Ayon sa mga candle vendors, may isang lalaking mabilis na lumabas ng simbahan bago natagpuan ang katawan ng biktima. Kasalukuyang nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang pulisya, kabilang ang pagsusuri ng mga CCTV footage sa lugar.

Bunsod ng karahasang nangyari sa loob ng sagradong lugar, ipinahayag ng arsobispo na pansamantalang isasara ang simbahan alinsunod sa Canon 1211 of the Code of Canon Law, na nagsasaad na ang isang banal na pook ay itinuturing na desecrated kapag ito ay dumanas ng matinding paglapastangan na nagdudulot ng iskandalo sa mga mananampalataya.

“I, as the Archbishop of Cebu, decree the temporary closure of the Parish Church of San Fernando Rey, Liloan. All public acts of divine worship are to be suspended until proper canonical procedures are completed,” dagdag pa ni Archbishop Uy.

Ipinaliwanag ng Archdiocese na ang pagsasara ay bahagi ng mga Acts of Reparation, o mga seremonyang itinatakda ng simbahan upang maibalik ang kabanalan at dangal ng lugar bago muling ipagpatuloy ang mga misa at gawaing pampananampalataya.

Sa pansamantala, isasagawa ang mga Banal na Misa at iba pang aktibidad ng parokya sa Parish Pastoral Center.

Nanawagan din si Archbishop Uy sa mga mananampalataya na harapin ang trahedya nang may malasakit at panalangin.

“I ask the faithful to respond to this tragedy not with anger, but with prayer, compassion, and solidarity, especially for the victim and her family,” aniya.

Dagdag pa ng arsobispo, nananalangin ang simbahan na makamit ng pamilya ng biktima ang katarungan at agarang mahuli ang may kagagawan ng krimen.
Hinimok din ni Archbishop Uy ang lahat na patuloy na igalang ang buhay at mga sagradong pook.

“Let us all reaffirm our respect for every human person and for the sanctity of our sacred spaces, which are meant to be places of refuge, reverence, and healing,” giit ni Archbishop Uy.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 13,537 total views

 13,537 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

NUMBER’S GAME

 64,221 total views

 64,221 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 70,350 total views

 70,350 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Konkretong paraiso?

 100,012 total views

 100,012 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 118,277 total views

 118,277 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top