Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagpapasara ng Didipio mining project, pinuri ng Obispo

SHARE THE TRUTH

 471 total views

Suportado ni Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao ang desisyon ng pamahalaang panlalawigan ng Nueva Vizcaya na ipatigil ang Didipio Gold-Copper Mining project.

Ayon kay Bishop Mangalinao, vice-chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Permanent Committee on Public Affairs, nararapat ang desisyon ni Nueva Vizcaya Governor Carlos Padilla na huwag nang pahintulutang magsagawa ng pagmimina ang OceanaGold Philippines Inc.

“Ako ay sinususugan ko ‘yung desisyon ng Gobernador [at] ng kanyang mga kasama sa Sangguniang Panlalawigan, sapagkat nakikita naman talaga na wala talaga silang permiso na para mag-operate,” ang bahagi ng pahayag ni Bishop Mangalinao sa panayam ng Radio Veritas.

Paliwanag ng Obispo na sa 25-taong pagmimina sa Didipio, Nueva Vizcaya ay nagdulot ito ng pagkasira ng kapaligiran lalu na sa mga bukid, watershed at kabundukan.

Hiling din ng mga katutubong naninirahan sa lugar na nawa’y ihinto na ang pagmimina dahil sa pinsala sa kalikasan at sa kanilang kabuhayan.

Ayon pa kay Bishop Mangalinao, pinangangambahan rin ni Governor Padilla ang pagkakaroon ng mga sink hole at makaapekto sa mga residente dahil umabot na sa pinakailalim ng lupa ang paghuhukay ng minahan.



“Sabi ng Governor, papaano kung magkaroon ng mga sink holes? Sabi rin ni Governor, hanggang saan na kaya ‘yung nabutas nila? Paano natin makikita kung sumusunod sila sa patakaran na hanggang doon lang?,” ayon sa Obispo.

Panawagan naman ng opisyal ng CBCP sa mga kinauukulang nangangalaga sa kalikasan na nawa’y pakinggan ang ipinaglalaban ng simbahan, lokal na pamahalaan at mamamayan hinggil sa buhay ng kalikasan at ng sambayanan, hindi ang pansariling interes lamang.

Ayon kay Bishop Mangalinao, “Wala po kaming interes na anuman na kukunin o tatanggapin kaninuman. Maliban sa mabuhay ng mapayapa, kinikilala ang kagandahan ng kalikasan at ang hangganan ng karapatan ng tao na magdesisyon para sa lahat at papaboran lamang ang iilan.”

Hiling pa nito na sana’y itaas at paigtingin ng mga makapangyarihan ang pangangalaga at pagmamahal at pagtingin sa kapwa Pilipino sa halip na interes ng mga dayuhan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

GEN Z PROBLEM

 6,360 total views

 6,360 total views Bawasan o alisan ng access ang mga menor de edad sa social media? Sa isang pag-aaral, 95-porsiyento ng mga kabataang Pilipino na may

Read More »

STATE AID o AYUDA

 24,344 total views

 24,344 total views Hindi lang panahon ng halalan pinag-uusapan ang ayuda., noon ang mga tumatakbong pulitiko lamang ang namimigay ng ayuda..sa tuwing may eleksyon lang naman.

Read More »

PERFECT CRIME

 44,281 total views

 44,281 total views Sa mga eksperto ng law enforcement, walang “perfect crime”. Para sa Federal Bureau of Investigation (FBI), ang salitang “perfect crime” ay isang ‘myth’

Read More »

Witch hunt?

 61,474 total views

 61,474 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »

Tahimik sa conflict of interest?

 74,849 total views

 74,849 total views Mga Kapanalig, itinanggi ni Senador Mark Villar ang mga akusasyong ginamit niya ang kanyang posisyon bilang dating kalihim ng Department of Public Works

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Marian Pulgo

Juan, itinalagang chairperson ng ERC

 16,447 total views

 16,447 total views Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Atty. Francis Saturnino Juan bilang chairperson Energy Regulatory Commission (ERC), epektibo sa August 8, 2025. Si

Read More »

RELATED ARTICLES

Diocese of Imus, nagpapasalamat sa CBCP

 41,492 total views

 41,492 total views Nagpaabot ng pagbati ang Diocese of Imus, Cavite sa pagkakahirang ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) kay Bishop Reynaldo Evangelista bilang

Read More »
Scroll to Top