Pagpapasigla ng mga negosyo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 583 total reads

Taghirap kapanalig, kaya’t maraming mga negosyo ang naghihingalo o tuluyan ng nagsara sa ating bayan ngayon. Sa katunayan, ayon sa isang pag-aaral, marami pa ring mga micro, small, and medium enterprises (MSMEs) ang patuloy pa ring nakakaranas ng mababang demand para sa kanilang produkto, at resulta nito, mababang kita.

Ang paghihirap ng MSMEs kapanalig, ay paghihirap ng buong bayan. Kung hindi niyo nalalaman, ang maliliit na negosyo gaya nila ay ang gulugod ng bayan. Sila ang pwersa ng ekonomiya ng ating bansa. Kung hindi sila makaka-ahon sa epekto ng pandemya, ang buong bayan ay patuloy na maghihirap.

Ang MSMEs ay nagbibigay hanapbuhay sa mahigit kumulang 63% ng mga manggagawa sa ating bayan. Dahil sa kanila, malaking bahagi ng ating labor force ang naitataguyod ang kanilang pamilya.

Isa sa mga paraan upang ating matulungan, kahit sa maliit na paraan, ang mga negosyo sa ating lipunan ay ang pagbili ng mga lokal na produkto. Unahin natin, kapanalig, ang pagtangkalik sa sariling atin – mga maliliit na tindahan sa ating komunidad na kailangan makabenta kahit kaunti para lamang dahan-dahang makapag-patuloy.

Ang ating pamahalaan naman ay malaki ang responsibilidad upang makabangon muli ang mga MSMEs. Mula sa mga stimulus package para sa mas maraming MSMEs hanggang sa pagbibigay tulong upang masiguro ang kalusugan ng kanilang manggagawa sa gitna ng pandemya.

Kailangan agarang masalba ang maraming mga MSMEs. Sa ngayon, madilim ang hinaharap ng ekonomiya ng bansa. Ayon sa Moody’s Analytics, hindi pa makakabalik sa pre-pandemic levels ang ekonomiya natin. Habang ating  mga karatig-bayan ay unti-unti ng nakakabangon, ang Pilipinas, sa huling sangkapat o quarter ng 2022 pa makakabawi.

Kaya nga’t napakahalaga, kapanalig, na ating mapagsigla muli ang mga maliliit na negosyo ng bayan. Sa kanila nakasalalay ang paglago ng ekonomiya, pati ang disenteng trabaho para sa maraming mamamayan. Ayon nga sa Laudato Si, ang negosyo ay isang dakilang bokasyon; nagsusulong ito ng kaunlaran at nagpapabuti ng mundo. It ay mabunga: lumilikha ito ng trabaho para sa kabutihan ng balana.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 27,229 total reads

 27,229 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 111,375 total reads

 111,375 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Battered woman syndrome

 205,706 total reads

 205,706 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 267,392 total reads

 267,392 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 311,806 total reads

 311,806 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 27,230 total reads

 27,230 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 111,376 total reads

 111,376 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Battered woman syndrome

 205,707 total reads

 205,707 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 267,393 total reads

 267,393 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »
Scroll to Top