Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagpapatatag sa kultura ng mga Pilipino, tiniyak ni Senator Legarda

SHARE THE TRUTH

 1,239 total views

Tiniyak ni Senate President Pro Tempore Loren Legarda ang pagpapaigting ng mga programang mangangalaga at magpapanatili sa kultura ng mga Pilipino.

Ito ang mensahe ng mambabatas kasabay ng isinagawang pagdinig sa mga panukalang naglalayong paigtingin ang protection at conservation ng Philippine cultural heritage.

Ayon kay Legarda dapat paunlarin ng kasalukuyang henerasyon ang sinimulan ng mga ninuno.

“I believe that culture is the narrative that binds us as a nation, and it is something we owe to our ancestors and heroes who built the Philippines as it is today.” bahagi ng pahayag ni Legarda.

Kabilang sa mga tinalakay ng Committee on Culture and the Arts ang Senate Bill No. 622 na iniakda ni Legarda, Senate Bill No. 117 ni Senator Nancy Binay, Senate Bill No. 1094 ni Senator Ramon Revilla Jr. na pagsamahin ang cultural mapping at cultural heritage education program sa National Cultural Heritage Act (Republic Act No. 10066).

Suportado ni Senator JV Ejercito ang hakbang ni Legarda sapagkat mahalaga ito upang mapalakas ang pagkakilanlan ng mga Pilipino.

“Probably this is one of the things that is lacking in our country…love of history, love of culture and heritage which are very significant in strengthening patriotism and our identity as Filipinos.” ayon kay Ejercito.

Tinalakay din sa pagdinig ang Senate Bill No. 624 na layong magtatag ng institute for living traditions at ang Senate Bill No. 242 para sa pagpatupad ng cultural education sa Philippine educational system.

Sa datos ng pamahalaan sa 110 milyong populasyon sa bansa 15 porsyento rito ay nabibilang sa Indigenous Peoples na isa sa mangungunang makikinabang sa isinusulong na panukalang batas.

[smartslider3 slider="20"]

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 133,608 total views

 133,608 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 141,383 total views

 141,383 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 149,563 total views

 149,563 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 164,222 total views

 164,222 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 168,165 total views

 168,165 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top