Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Kasunduang pagkapayapaan sa kalikasan

SHARE THE TRUTH

 164 total views

Mga Kapanalig, “a peace pact with nature” o isang kasunduang pangkapayapaan sa kalikasan kung ilarawan ni UN Secretary General Antonio Guterres ang naging bunga ng COP15 UN biodiversity summit noong Disyembre.1

Hindi gaanong lumabas sa mga balita dito sa ating bansa ang nasabing summit na ginanap sa Montreal, Canada, ngunit bilang isang bansang hitik sa likas-yaman, isa ang Pilipinas sa mga makikinabang sa kasunduan. Sa summit na iyon, nagkasundo ang mga bansang poproteksyunan ang one-third ng ating planeta para sa kapakanan ng ating kalikasan pagsapit ng taóng 2030. Sinang-ayunan ng karamihan sa mga lumahok na bansa ang mga target upang pangalagaan ang tinatawag nating biodiversity o ang kabuuan ng lahat ng may buhay sa ating nag-iisang tahanan—mula sa mga hayop at halaman hanggang sa pinakamaliliit na organismong nagbibigay-buhay sa ating planeta.

Kasama sa mga targets ang pangangalaga sa mahahalagang ecosystems katulad ng mga kagubatan, gayundin ang pagkilala sa mga karapatan ng mga katutubo o indigenous peoples. Ang mga gobyerno at iba’t ibang sektor ay inaasahang magkakaisa sa pagsugpo sa pagkawala ng mga uri ng hayop at halaman o species extinction at sa pagtiyak na hindi masisira ang mga lugar na nagbibigay sa ating mga tao ng pagkain at malinis na tubig. Dapat din silang mag-ambag ng pondo para sa mga gawaing magpapanatili at magpapalusog sa kalikasan.

Ang mahigit pitong libong isla ng Pilipinas ay tahanan para sa libu-libong mga hayop at halaman. Ayon sa mga pag-aaral, sa halos 600 na mga naitalang uri ng ibon, mahigit 35% ang matatagpuan sa ating bansa. Nasa 60% naman ng mga mammals (katulad ng mga usa, paniki, at unggoy) at 65% naman ng mahigit 10,000 uri ng halaman ay endemic o dito lamang sa Pilipinas makikita.2 Tunay nga namang biniyayaan tayo ng mga hayop at halamang magpapaalala sa atin ng pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan.

Ngunit itinuturing din ang Pilipinas na isa sa world’s most threatened hotspots. Tinatayang 7% na lamang ng ating kagubatan ang natitira, habang patuloy naman ang pagkasira ng ating mga karagatan.3 Ang pagmimina, pagtotroso, at malawakang pangingisda ay ilan sa

malalaking banta sa ating biodiversity. Napasukan na ng mga mapaminsalang industriya ang ating mga bundok at kagubatan sa ngalan daw ng kaunlaran, at nakalulungkot na nagiging instrumento pa ang gobyerno upang gamitin sa negosyo ang tirahan ng iba’t ibang hayop at halaman. Kulang din ang ating kakayahang bantayan ang mga karagatan laban sa commercial fishing na umuubos sa ating mga isda at sumisira sa mga halamang dagat. Ginagawa namang pribadong subdivision ang mga lupain, at patuloy ang polusyon sa hangin at katubigan. At ngayon ngang dama natin ang epekto ng climate change, lantad din ang naghihingalo nating kalikasan sa mga pagbaha, pagguho ng lupa, at matinding tagtuyot.

Sa Catholic social teaching na Laudato Si’, binigyang-diin ni Pope Francis na ang lahat ng may buhay sa daigdig ay magkakaugnay. “All creatures are connected,” wika niya. At dahil dito, dapat na pahalagahan natin ang bawat bumubuo sa ating kalikasan nang may pag-ibig at paggalang sapagkat bilang mga nilalang na may buhay, tayo ay nakasalalay sa isa’t isa.4 Sabi pa nga sa Roma 1:20, “ang kanyang walang hanggang kapangyarihan at pagka-Diyos ay naipahayag sa mga bagay na ginawa Niya.”

Mga Kapanalig, kung yayabong ang biodiversity, yayabong din ang buhay ng tao. Kung nasa panganib ang biodiversity, manganganib din ang buhay nating lahat. Kaya malaki ang gampanin ng mga mamamayan at ng gobyerno. Maliban sa ating kanya-kanyang hakbang sa pangangalaga sa kalikasan, dapat ding pangunahan ng pamahalaan ang pangangalaga sa ating kalikasan. Pagtulungan nating kamtin ang mga inilatag sa makasaysayang kasunduan ng COP15.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Green Transport

 13,327 total views

 13,327 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 19,300 total views

 19,300 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 25,055 total views

 25,055 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 32,318 total views

 32,318 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 40,302 total views

 40,302 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Green Transport

 13,328 total views

 13,328 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive Education

 19,301 total views

 19,301 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sports at Kabataan

 25,056 total views

 25,056 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 32,319 total views

 32,319 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 40,303 total views

 40,303 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 35,978 total views

 35,978 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 47,982 total views

 47,982 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 56,024 total views

 56,024 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 47,581 total views

 47,581 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 46,006 total views

 46,006 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 47,792 total views

 47,792 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 44,717 total views

 44,717 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 59,031 total views

 59,031 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 62,721 total views

 62,721 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 61,324 total views

 61,324 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top