Pagpupugay sa mga Ina

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 576 total reads

Alam niyo kapanalig, ang mga babae, lalo na ang mga ina, hindi lamang ilaw ng ating mga tahanan, sila din ay sandalan ng ating sambayanan. Lahat tayo, ayaw man nating aminin, ay bilib na bilib sa kakayahan, pasensya, at pagmamahal ng mga ina sa tahanan. Ngayon nalalapit ang mother’s day, marapat na sila ay ating bigyang pugay. Utang natin ang ating buhay sa kanila.

Ang mga ina ngayon ng ating bayan ay maraming mga isyu o hamong hinaharap. Isang halimbawa: Alam niyo ba na mas maraming mga OFWs na babae kaysa lalake? Ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), may mga 1.06 milyong babaeng OFWs habang mga .72 milyon lamang ang mga lalaking OFWs.

Kadalasan, ang mga kababaihang OFWs ay napupunta sa domestic work kung saan sila ay bulnerable sa maraming uri ng exploitation. Isa na nga rito ay ang haba ng oras sa trabaho. Sa katunayan, malaking bulko ng mga kaso ng pang-aabuso sa ating OFWs ay kaugnay ang mga babae. Base sa opisyal na datos, babae ang biktima ng mahigit 18,000 sa halos 24,000 na kaso ng pang-aabuso ng OFWs o 75%.

Ang karaniwang pang-aabuso na kanilang nararanasan ay paglabag sa kanilang kontrata, pagmamaltrato, immigration or document-related problems, contract substitution, health o medical-related problems, personal problems, sexual abuse o harassment at rape. Kapanalig, tinitiis ito ng mga babaeng OFWs natin dahil kailangang nilang kumita. Marami sa kanila ay mga ina na may mga anak na kailangang itaguyod.

Kapanalig, isa lamang ito sa mga kinahaharap na isyu ng mga inang Filipina, pero ito ay isa sa mga pinaka-matingkad na halimbawa ng paghihirap na dinadanas nila sa ngalan ng pamilya. Kaya’t sana, tayo, bilang mga anak nila, bilang isang nagkaka-isang lipunan, ay bigyang pugay ang mga ina ng bayan. Hindi lamang dapat ito sa pamamagitan ng papuri o paminsan-minsang pagre-regalo. Ang ating pagpugay sa kanila ay dapat na may kaakibat na aksyon para sa kanilang kapakanan. Hindi dapat nila maranasan ang paghihirap na kanilang nadadanasan ngayon. Kailangan nating makapag-latag ng solusyon upang wala ng Filipina pa ang maghihirap, maapi, mamaltrato, at mabibiktima ng karahasan sa kanilang pagtatrabaho sa ibang bansa.

Kapanalig, kapag nabiktima ang ina ng pamilya, lahat ng miyembro nito ay nabibikitma rin. Angkop sa isyung ito ang mga kataga mula sa Economic Justice for All: Ang mga patakarang pang-ekonomiya at panlipunan pati na rin ang organisasyon ng mundo ng trabaho ay dapat na patuloy na suriin sa liwanag ng epekto nito sa lakas at katatagan ng buhay pampamilya. Ang pangmatagalang kinabukasan ng bansang ito ay malapit na nauugnay sa kapakanan ng mga pamilya, dahil ang pamilya ang pinakapangunahing anyo ng komunidad ng tao.

Sumainyo ang Katotohanan.

eMAIFIP, pinalawak ng DOH

 2,299 total reads

 2,299 total reads Pinalalawak ng Department of Health o DOH ang Electronic Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients o eMAIFIP upang mas maraming Pilipinong

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 25,040 total reads

 25,040 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 65,601 total reads

 65,601 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 92,308 total reads

 92,308 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 140,573 total reads

 140,573 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 161,549 total reads

 161,549 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 25,041 total reads

 25,041 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 65,602 total reads

 65,602 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 92,309 total reads

 92,309 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »
Scroll to Top