Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagsasantabi sa election protest laban kay VP Robrero, hiniling sa Korte Suprema

SHARE THE TRUTH

 241 total views

Umapela ang Association of Major Religious Superiors of the Philippines (AMRSP) at Catholic Bishops’ Conference of the Philippines- Episcopal Commission on Lay Apostolate (CBCP-ECLA LAIKO) sa Korte Suprema na tuluyan ng isantabi na ang election protest ni dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. laban kay Vice President Leni Robredo.

Sa liham ng mga lingkod ng Simbahan sa Korte Suprema na nagsisilbi bilang Presidential Electoral Tribunal (PET), nanawagan ang grupo sa mga mahistrado na isulong ang kabutihan at kapakanan ng taumbayan sa pamamagitan ng paninindigan sa katotohanan at katarungan.

“The Association of Major Religious Superiors of the Philippines (AMRSP) and the Catholic Bishops’ Conference of the Philippines- Episcopal Commission on Lay Apostolate (CBCP-ECLA LAIKO), jointly appeals and strongly urges the Supreme Court, sitting as the Presidential Electoral Tribunal (PET), to justly and decisively dismiss with finality the election protests of Mr. Ferdinand Romualdez Marcos Jr. against Vice President Leni Robredo. We encourage our highest magistrates to model true fairness and pronounce courageously the rule of justice even in the midst of tremendous pressures from powers that be.” joint statement ng AMRSP at CBCP-ECLA LAIKO sa Korte Suprema.

Ang nasabing joint statement ay nilagdaan nina AMRSP Co-Chairpersons Rev. Fr. Cielito Almazan, OFM at Sr. Marilyn Java, RC kasama si Sangguniang Laiko ng Pilipinas President Bro. Rouquel Ponte at CBCP Episcopal Commission on the Laity Chairman Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo.

Tiniyak naman ng AMRSP at CBCP-ECLA LAIKO ang pananalangin upang gabayan ng Panginoon ang mga hukom upang mapanatili ang karangalan ng Kataas-taasang Hukuman sa pamamagitan ng pagpanig sa tama at hindi sa anumang impluwensya o pagmamaniobra ng mga nasa katungkulan.

Nasasaad sa election protest ni Marcos ang sinasabing iregularidad sa naging resulta ng eleksyon sa pagka-bise presidente noong 2016 elections kung saan nagkaroon ng election fraud sa tatlong pilot provinces.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 77,816 total views

 77,816 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 85,591 total views

 85,591 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 93,771 total views

 93,771 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 109,337 total views

 109,337 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 113,280 total views

 113,280 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

RISE program, sinuportahan ng CHR

 6,820 total views

 6,820 total views Nagpahayag ng suporta ang Commission on Human Rights sa bagong programa ng Department of Agriculture (DA) at Bureau of Corrections (BuCor) para sa

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

RMP, vindicated desisyon ng QC-RTC

 5,560 total views

 5,560 total views Paiigtingin ng Rural Missionaries of the Philippines (RMP) ang misyong paglingap sa pangangailangan ng mga mahihirap lalo sa mga liblib na lugar ng

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top