Unang taong death anniversary ni Pope Francis, ginunita ng simbahang katolika

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 13,570 total reads

Ginunita ng Simbahang Katolika ngayong araw Abril 21 ang unang anibersaryo ng pagpanaw ni Pope Francis.

Pumanaw ang dating Santo Papa noong Easter Monday, Abril 21, 2025, sa edad na 88 sa Casa Santa Marta sa loob ng Vatican City.

Sa loob ng 12 taong pamumuno mula nang mahalal noong March 13, 2013, kinilala si Pope Francis sa kanyang mapagkumbabang paglilingkod at makataong pamumuno sa Simbahang Katolika.

Patuloy ring inaalala ng mga mananampalataya ang kanyang mgga naiwang pamana ng malalim na pagmamalasakit sa kapwaa lalo na sa mahihirap, pagsusulong ng kapayapaan, at pagpapalalim ng pananampalataya sa buong mundo.

Samantala, nagdaos din ng banal na Misa sa Casa Santa Marta bilang paggunita sa unang anibersaryo ng pagpanaw ni Pope Francis.

Pinangunahan ang pagdiriwang ng banal na misa ni Archbishop Luigi Travaglino, kung saan binigyang-diin ng Arsobispo ang patuloy na presensya at alaala ng yumaong Santo Papa sa puso ng Simbahan.

Sa pagninilay ni Cardinal Angelo Acerbi, inalala ng Cardinal ang tapang at dedikasyon ni Pope Francis sa paglilingkod bilang pinuno ng Simbahang Katolika sa kabila ng karamdaman.

Bahagi rin ng paggunita sa dating Santo Papa ang pananalangin at Misa sa Basilica of Saint Mary Major kung saan may malalim na debosyon si Pope Francis at kung saan siya inilibing.

Patuloy namang inaanyayahan ang mga mananampalataya na ipanalangin ang kaluluwa ng dating Santo Papa.

Matatandaang makasaysayan rin ang naging personal na pagbisita ni Pope Francis sa Pilipinas noong January 15 to 19, 2015 na may temang ang “Mercy and Compassion” na layuning personal na makita, makasalamuha, madamayan at mabigyan ng inspirasyon sa muling bumangon ang mga nasalanta ng Super Typhoon Yolanda na tumama sa Eastern Visayas noong Nobyembre ng taong 2013.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 42,172 total reads

 42,172 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 92,305 total reads

 92,305 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 140,176 total reads

 140,176 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 244,125 total reads

 244,125 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 328,069 total reads

 328,069 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top