Pope Leo XIV, naghatid ng pag-asa sa nursing home sa Angola

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 9,500 total reads

Naghatid ng mensahe ng pag-asa at pagkalinga si Pope Leo XIV sa kanyang pagbisita sa isang nursing home sa Saurimo, Angola, kung saan binigyang-diin ang dignidad ng matatanda at ang kahalagahan ng malasakit sa kapwa.

Sa kanyang pagbati, inilarawan ng Santo Papa ang tahanan bilang lugar ng kapayapaan at pagmamahalan.

Pinasasalamatan ng Santo Papa ang buong komunidad sa mainit at makabuluhang pagtanggap sa kanyang pagdalaw sa lugar bilang bahagi ng kanyang Apostolic Journey sa Africa.

Ikinalugod din ni Pope Leo na ang pasilidad ay tinatawag na “lar” o tahanan, na sumasalamin sa diwa ng pagiging pamilya. Hinikayat niya ang lahat na panatilihin ang ganitong kapaligiran ng pagmamalasakit at pagkakaisa.

Binigyang-diin ni Pope Leo XIV na ang presensya ni Kristo ay nananatili sa mga simpleng gawa ng pagmamahalan at pagpapatawad.

“Jesus also lives here… whenever you try to love one another and help one another as brothers and sisters,” ayon kay Pope Leo XIV, kasabay ng paalala na ang panalangin at pagkakasundo ay konkretong pagpapakita ng pananampalataya. Pinuri rin ng Santo Papa ang mga awtoridad, kawani, at mga volunteers sa kanilang malasakit sa matatanda.

“The care of the weakest is a very important sign of the quality of the social life of a nation,” giit ng Santo Papa

Dagdag pa niya, hindi lamang pangangalaga ang kailangan ng mga nakatatanda kundi pakikinig, sapagkat taglay nila ang
karunungan ng bayan.

Muling iniaalay ni Pope Leo XIV ang komunidad sa Mahal na Birheng Maria at ang mensahe ng pagpapala at pag-asa, para sa kanilang misyon sa pangangalaga sa mga kabilang sa mahihinang sektor ng lipunan.

Iginiit ng Santo Papa na ang isang lipunang tunay na makatao ay nasusukat sa paraan ng pag-aaruga at paggalang nito sa mga pinakamahihina, lalo na ang mga matatanda.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 9,404 total reads

 9,404 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 97,041 total reads

 97,041 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 143,781 total reads

 143,781 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 191,653 total reads

 191,653 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 295,312 total reads

 295,312 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top