Pagsasawalang bisa ng UP-DND accord, kinondena ng environment group

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 637 total reads

Nanindigan ang Kalikasan People’s Network for the Environment (Kalikasan PNE) kasama ang Unibersidad ng Pilipinas (UP) laban sa pagpapawalang bisa ng Department of National Defense (DND) sa UP-DND Accord.

Ayon kay Leon Dulce, National Coordinator ng Kalikasan PNE na hindi maaaring agarang itigil ng DND ang kasunduan dahil ito’y labag sa batas.

“Kailangang kilalanin ng DND na ilegal ‘yung ginawa nila. Hindi pwedeng basta-basta nalang umaatras sa kasunduan ng unilateral o ‘yung isang panig lang,” bahagi ng pahayag ni Dulce sa panayam ng Radio Veritas.

Inihalimbawa nito ang hindi patas na pagpapatupad ng batas at kasunduan lalu na tungkol sa kalikasan.

Ayon kay Dulce, kapag ang usapin ay hinggil sa kasunduan sa pagmimina ay napakabilis ng pamahalaan o korporasyon na bawiin ang unilateral na kasunduan subalit kapag ang mga lokal na pamahalaan o mga komunidad na ang humiling na umatras ay hindi ito pinahihintulutan at sa halip ay sinasabing dapat igalang ang kasunduan.

“Bakit kapag sa kasunduan sa pagmimina, napakadali para sa gobyerno o sa korporasyon na umatras ng unilateral, sa mga usapin? O kaya kapag may LGU o kaya mga komunidad na gustong umatras sasabihin, “Hindi. Dapat respetuhin n’yo ‘yung kontrata. Dapat respetuhin n’yo ‘yung kasunduan.” Hindi pantay ‘yung pag-apply ng ganung prinsipyo kung ganitong basta-basta aatras doon sa UP-DND Accord,” ayon kay Dulce.

Batay naman sa inilabas na pahayag ng grupo, nakasaad sa UP-DND Accord na hindi nabanggit dito ang tuluyang pagbabawal laban sa pagpapapasok sa kinasasakupan ng pamantasan at mga sangay nito, ngunit kailangan lamang ang kasunduan sa awtoridad ng Pamantasan.



Paliwanag pa ng pahayag, pinatunayan lamang ng DND na ang kanilang pagbawi sa kasunduan ay nagpapakita na hindi nila kayang galangin ang karapatan ng mga sibilyan laban sa militar, na nakatala sa 1987 Constitution.

Panawagan naman ni Dulce na nawa’y hayaan na lamang ang mga pampublikong pamantasan o State Universities na kanilang maipahayag ng malaya ang kanilang mga karapatan at saloobin para na rin sa ikabubuti ng lipunan.

Dagdag pa nito na huwag nang gamitan ng dahas ang mga katutubong mamamayan, mga magsasaka at iba pang nagtatanggol sa kalikasan at hayaan na lamang ang mga ito na mamahala sa kanilang mga likas na yaman.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 231,392 total reads

 231,392 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 263,123 total reads

 263,123 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 364,947 total reads

 364,947 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 405,510 total reads

 405,510 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 416,642 total reads

 416,641 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 143,366 total reads

 143,366 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top