Pagsulong ng Pagbabasa ng Libro sa ating Bansa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 13,440 total reads

Kapanalig, lahat na yata tayo nakatutok na sa social media lagi at nakalimutan na natin ang pagbabasa ng libro. Marami na sa ating mga kabataan ang hindi nakakaranas ng saya at ligaya, excitement at thrill, ng higit na karunungan, na makukuha natin sa pagbabasa ng libro.

Ang pagbabasa ng libro ay isa sa mga gawain na mahalaga sa kahit anumang bansa. Sa ating bayan kung saan marami ang naniniwala na ang kaalaman ay kayamanan, nakakalungkot na 9 sa 10 batang mag edad 10 ay hirap magbasa, base sa isang pag-aaral ng World Bank noong 2022. Maliban pa dito, sa isang pag-aaral ng OECD, tayo ang may pinakamababang reading comprehension sa mga 79 na bansa na kanilang survey noong 2018.

Malaking hamon ito, kapanalig. Paano ba natin mapapalakas ang pagbabasa ng libro sa ating bansa ngayong napakalakas na kumpetisyon sa atensyon ng mga bata ang social media pati online games?

Siguro, kapanalig, isang mabisang paraan ay ang pagsisimula nito sa ating tahanan. Habang bata pa lamang, sanayin na natin sila sa pagbabasa sa pamamagitan ng pagbabasa din natin sa kanila. Sa halip na mag doom scroll tayo ng cellphone bilang pampatulog, basahan natin ng mga istoryang pambata ang ating mga anak.

Ang pagbabasa sa bahay ay mapapalawig pa natin kung mismo sa ating mga pamayanan ay may accessible na libraries o aklatan para sa mga bata sa mga public spaces gaya ng mga playground at community centers. Mas marami ang mapupukaw na atensyon nito at mabibigyan ng iba ibang opsyon ng libangan ang mga kabataan.

Sa paaralan, maaaring magtaguyod ng mga book clubs para liban sa paggamit ng libro ng pagtuturo, magagamit din ito ng mga kabataan para sa pagpapalawig ng kanilang kaalaman sa ibang topics o tema, pati kultura, kasaysayan, at tradisyon, hindi lamang ng ating bansa, kundi sa ibang bansa din. Dito rin maaaring mag-umpisa ang kanilang atraksyon para sa iba’t-ibang uri ng propesyon at expertise.

Dapat makita natin, kapanalig, na ang pagbabasa ng libro ay hindi lamang extra-curricular activity kundi isang way of life – bahagi ng ating buhay. Nagpapalalim ito ng ating kaalaman at karanasan. Pinupukaw nito ang ating kaisipan at damdamin, at nagbibigay ng inspirasyon sa ating buhay. Kapanalig, isama na natin dapat dito ang pagbabasa ng Bibliya. Sana, kahit pa naglipana ang mga gadgets na dala ng modernisasyon at teknolohiya, huwag nating kalimutan ang pagbabasa ng aklat.

Kapanalig, si Pope Francis ay isang halimbawa ng isang tao na mahilig magbasa. Sa kanyang mensahe sa mga kalahok sa isang conference  ng La Civilta Cattolica at sa Georgetown University, sinabi nya: I have loved many poets and writers in my life… the words of those authors helped me to understand myself, the world and my people, but also to understand more profoundly the human heart, my personal life of faith, and my pastoral work, even now in my present ministry.  Literature is like a thorn in the heart; it moves us to contemplation and sets us on a journey. Sana’y gayahin natin ang kanyang halimbawa.

Sumainyo ang Katotohanan.

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 22,615 total reads

 22,615 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 43,159 total reads

 43,159 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 116,997 total reads

 116,997 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 202,367 total reads

 202,367 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 249,102 total reads

 249,102 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 296,973 total reads

 296,973 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 394,943 total reads

 394,943 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

MADALDAL KULANG SA GAWA

 116,998 total reads

 116,998 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 202,368 total reads

 202,368 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 249,103 total reads

 249,103 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 296,974 total reads

 296,974 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »
Scroll to Top