8,937 total views
Nagpapasalamat si Father Anton CT Pascual – Pangulo ng Radio Veritas at Chairperson ng Union of Metro Manila Cooperatives (UMMC) sa mahigit isang libong dumalo sa idinaos na 2023 UMCC Coop Board Leadership seminar.
Tiniyak ni Fr.Pascual na ang pagdalo ng pangulo, miyembro at board members ay magpapalawak sa kanilang kaalaman sa pagpapatakbo ng kooperatiba at pag-iingat sa sama-samang yaman ng mga miyembro.
“Sabi nga ni Pope Francis ‘Authentic Powers is Service!’ ang kapangyarihan ng isang leader, impluwensya ng isang leader ay dapat gamitin niya hindi pang-sarili para sa paglilingkod at kapakanan ng nakakarami, walang kasapian kaya’t sa araw na ito halos isang libong mga cooperatives leaders ang narito at sila’y magpapalalim sa karanasan sa pamumuno, pamamahala upang ang kooperatiba ay lalong lumago tumibay at dumami para sa kapakinabangan ng maliliit,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Father Pascual.
Pinaalalahanan naman ni Nancy Marcquez – Pangulo ng Philippine Statistics Authority Multipurpose cooperative at Treasurer ng UMMC sa mga lumahok na isapuso ang mga natutunan upang maipasa sa kani-kanilang mga kooperatiba ang mga adbokasiya ng kooperatibismo.
“Sa ating respective organization ay ating ma-realize and we are all doing this things not for ourselves but for the good of our organization most particularly: for our members, because our members are expecting so much from us especially at the end of the year when we are about to give or we are really mandated to give them patronage refund to our member, so lagyan natin ng out cooperative organization in the right path para ma-realize natin yung ating mission and visions,” pahayag ni Marquez sa Radio Veritas.
Umaasa din sina One Coop Federation President Marlon Roño at Philippine Coop Center – Philippine Coop Central Fund at San Dionisio Credit Cooperative Board Member Gary Leonardo na lalu pang dumami ang mga opisyal ng kooperatiba na na may malawak na kasanayan at magaling na lider ng kanilang organisasyon.
Naniniwala ang dalawang Coop leader na sa pagyabong ng kooperatibismo ay lalung uunlad at mapapaganda ng mga pinuno ang pamumuhay ng mga miyembro sa kooperatiba.
Iginiit nina Leonardo at Roño na sa pamamagitan ng malalim na kaalaman sa Coop leadership at governance at paano makakasabay sa teknolohiya ay magtatagumpay ang baway kooperatiba sa bansa.
Sa pinakabagong talaan ng Cooperative Development Authority, mahigit na sa 20-libo ang mga rehistradong kooperatiba na mayroong 19-milyong miyembro sa buong Pilipinas.