Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Gawing huwaran ang buhay ng mga banal, paalala ng Obispo sa mananampalataya

SHARE THE TRUTH

 17,969 total views

Hinikayat ng Catechetical Commission ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mananampalataya na gawing huwaran ang naging buhay ng mga banal na ini-alay ang mga sarili upang paglingkuran ang Panginoon.

Ayon kay La Union Bishop Daniel Presto, vice-chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education, misyon ng mga banal na maging patnubay at taga-pamagitan ng bawat isa upang maipaabot sa langit ang mga panalangin at kahilingan.

Ito ang paalala ni Bishop Presto sa paggunita sa araw ng mga banal at mga yumaong mahal sa buhay sa Nobyembre 1 at 2.

“Sa ating pagdarasal sa mga banal, ating tinitingala ang mga ito bilang halimbawa sa ating buhay. Sila ‘yung mga martir. Sila’y mga namuhay ayon sa kabanalan. Sila’y mga misyonero at marami pang iba. Sa pamamagitan nila ay ipagdarasal nila tayong narito sa lupa,” pahayag ni Bishop Presto sa panayam ng Radio Veritas.

Hiling naman ng obispo na ang kabanalan ng mga Santo nawa’y higit na magpatatag sa pananampalataya ng bawat isa sa kabila ng iba’t ibang pagsubok na kinakaharap.
“Sa pagtingin natin sa mga banal sa langit ay nawa’y magkaroon ng inspirasyon na maging matibay sa ating pananampalataya at sa ating paglilingkod at paglalakbay dito sa lupang ibabaw,” ayon sa obispo.

Hinimok din ni Bishop Presto ang patuloy na pananalangin para sa kapayapaan ng kaluluwa ng mga yumaong mahal sa buhay.
Ipinaliwanag ni Bishop Presto na mahalagang ipanalangin lalo na ang mga kaluluwang nasa purgatoryo upang ganap na maka-akyat sa langit at makamit ang buhay na walang hanggan kasama ang mga banal at ang Panginoon.

“Sila man din na nasa kabilang buhay ay nagdarasal para sa atin kaya nga’t sa kapistahang ito ng mga banal at mga kaluluwa sa kabilang buhay, ang pagdarasal ay atin nawang isasakatuparan para sa mga yumao nating mga mahal sa buhay,” saad ni Bishop Presto.

Kaugnay nito, naglabas ang simbahan ng kopya ng panalangin na maaring gamitin ng mga kaanak sa pagdarasal sa kanilang pagdalaw sa mga sementeryo, gayundin ang pagsasagawa ng Banal na Misa sa mga parokya sa bansa bilang paggunita sa mga yumaong mahal sa buhay.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 14,612 total views

 14,612 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 22,093 total views

 22,093 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »

Green Transport

 35,233 total views

 35,233 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 41,206 total views

 41,206 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 46,960 total views

 46,960 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Disaster News
Michael Añonuevo

Most Holy Redeemer Parish, umaapela ng tulong

 309 total views

 308 total views Umapela ng tulong ang Most Holy Redeemer Parish, Masambong, Quezon City para sa mga biktimang apektado ng pananalasa ng Bagyong Carina at hanging Habagat. Ayon kay Parish Priest Administrator, Fr. Edwin Peter Dionisio, OFM, umabot na sa halos five feet o limang talampakan ang lalim ng baha sa loob ng simbahan kung saan

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Mining at all costs policy ni PBBM, pinuna ng ATM

 936 total views

 936 total views Patuloy pa ring isinasantabi ng pamahalaan ang kapakanan at kaligtasan ng mga mahihirap na pamayanan upang pagtuunan ang pagpapalakas sa mapaminsalang industriya ng pagmimina. Ito ang pahayag ni Alyansa Tigil Mina Chairperson Rene Pamplona kaugnay sa ikatlong State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. Ayon kay Pamplona, dalawang taon

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

10-milyong katutubo sa bansa, dumaranas ng kahirapan

 1,599 total views

 1,599 total views Inihayag ng Legal Rights and Natural Resources Center (LRC) na naranasan ng nasa 10 milyong katutubo sa bansa ang pinakamatinding kahirapan sa loob ng isang dekada sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. Ayon sa LRC Campaigns Support and Linkages Coordinator Leon Dulce, tumaas ng 79-porsyento ang antas ng kahirapan sa

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Act with creation, hamon ni Pope Francis sa mananampalataya

 3,882 total views

 3,882 total views Hinamon ng Kanyang Kabanalan Francisco ang bawat mananampalataya na yakapin ang buhay na puno ng pananampalataya at pag-asa, na nag-uugnay hindi lamang sa Diyos at kapwa, kundi maging sa sangnilikha. Ayon kay Pope Francis, ang pagkakaroon ng pag-asa at pagkilos kasama ang sangnilikha ay nangangahulungan ng pamumuhay ng pananampalatayang nagkatawang-tao. Ipinaliwanag ng Santo

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Parokya at mga katolikong institusyon, hinikayat ng Caritas Philippines na makilahok sa 10 Million Solar Rooftops Challenge

 5,024 total views

 5,024 total views Nakiisa ang Caritas Philippines sa 10 Million Solar Rooftops Challenge bilang bahagi ng misyon ng Simbahan na pangalagaan ang kalikasan at itaguyod ang napapanatiling pag-unlad ng bansa. Ang proyekto ay umani rin ng suporta sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) at sa ginanap na 41st National Social Action General Assembly (NASAGA)

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

Mananampalataya, hinikayat na makibahagi sa kapistahan ni San Kamilo de Lellis

 4,843 total views

 4,843 total views Inaanyayahan ng Camillian Philippine Province ang mga mananampalataya na makibahagi sa pagdiriwang ng kapistahan ni San Kamilo de Lellis. Dalangin ni Camillian Philippines Provincial Vicar, Fr. Dan Cancino, MI na ang kabanalan ni San Kamilo nawa’y mag-akay sa lahat ng mga naghihirap dulot ng iniindang mga karamdaman patungo sa kagalingan at pag-asang hatid

Read More »
Health
Michael Añonuevo

Mamamayan, pinaalalahanan ng NFP na kumain ng masustansiyang pagkain

 8,335 total views

 8,335 total views Pinaalalahanan ng Nutrition Foundation of the Philippines (NFP) ang mamamayan na sikaping kumain ng sapat, balanse, at masustansiyang pagkain araw-araw. Ayon kay NFP Board Secretary, Nutritionist and Dietitian Rhea Benevides-de Leon, mahalaga ang pagkakaroon ng sapat na dami at wastong kombinasyon ng mga pagkain upang magkaroon ng malusog na pangangatawan. Ibinahagi ni de

Read More »
Health
Michael Añonuevo

Filipino parents, hinimok ng CBCP na bigyan ng sapat na nutrisyon ang mga bata

 8,999 total views

 8,999 total views Hinimok ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Health Care ang mga magulang na pagtuunan ang pagbibigay ng sapat na nutrisyon sa mga bata. Ayon kay CBCP-ECHC executive secretary, Camillian Father Rodolfo Vicente “Dan” Cancino, mahalagang sa tahanan pa lamang ay nauumpisahan na ang pagbibigay at pagkakaroon ng kaalaman hinggil sa

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

Mananampalataya, hinimok ni Cardinal Advincula na maging saksi ni Kristo

 6,025 total views

 6,025 total views Pinaalalahanan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mga mananampalataya na maging kasangkapan sa pagpapadaloy ng biyaya at pagpapatotoo kay Kristo. Sa pagninilay para sa solemn declaration ng Minor Basilica and Parish of St. John the Baptist sa Taytay, Rizal nitong Hulyo 9, hinimok ni Cardinal Advincula ang bawat isa na

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

Parish of St.John the Baptist, ideklarang minor basilica

 6,315 total views

 6,315 total views Isabuhay at ipalaganap ang pagiging mapagpakumbaba katulad ni San Juan Bautista. Ito ang bahagi ng welcome message ni Antipolo Bishop Ruperto Santos para sa solemn declaration ng Minor Basilica and Parish of St. John the Baptist sa Taytay, Rizal. Ayon kay Bishop Santos, ang pagtataas sa Parokya ng San Juan Bautista bilang basilika

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Masungi Georeserve, hindi itinayo upang pagkakakitaan

 12,352 total views

 12,352 total views Nilinaw ng Masungi Georeserve Foundation, Inc. (MGFI) na hindi itinayo ang Masungi Georeserve upang pagkakitaan at magsilbing lugar-libangan. Ito ang tugon ng institusyon sa pahayag ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na nagsasaad na ang mga gawain sa loob ng Masungi Georeserve ay maituturing na labag sa batas. Ayon sa MGFI,

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Aktor na si Leonardo Di Caprio, nananawagang pangalagaan ang Masungi Geopark

 12,889 total views

 12,889 total views Nakikiisa si Hollywood actor at environmental activist Leonardo DiCaprio sa panawagang pangalagaan ang Masungi Geopark Project laban sa mga mapaminsalang pag-unlad na nakakaapekto sa itinuturing na protected area. Sa instagram post, hinikayat ni DiCaprio si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na kumilos upang mapaigting at maipagpatuloy ang hangaring mapangalagaan Masungi Geopark laban sa mga

Read More »
Health
Michael Añonuevo

Mamamayan, pinag-iingat ng CBCP sa tag-ulan

 13,020 total views

 13,020 total views Muling hinikayat ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Health Care ang publiko na panatilihin ang kalinisan ng kapaligiran ngayong tag-ulan. Ayon kay CBCP-ECHC executive secretary, Camillian Fr. Rodolfo Vicente “Dan” Cancino, na ngayong tag-ulan ay inaasahan na rin ang unti-unting pagpasok ng La Niña Phenomenon kung saan higit na mararanasan

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

Tularan si Apostol San Pedro at San Pablo,hamon sa mga mananampalataya

 9,892 total views

 9,892 total views Hinamon ng kura paroko ng Sts. Peter and Paul Parish, Poblacion, Makati City ang bawat isa na patatagin ang pananampalataya katulad ng ipinahayag nina Apostol San Pedro at San Pablo bilang mga tagasunod ni Kristo. Ayon kay Fr. Kristoffer Habal, ang bawat isa ay inaanyayahan na higit pang palalimin ang pananampalataya sapagkat ito

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Kaligtasan ng mga bata sa nakakalasong kemikal, pinatutukan ng BAN Toxics

 17,830 total views

 17,830 total views Pinatutukan ng BAN Toxics ang kaligtasan ng mga bata mula sa mga nakalalasong kemikal kasabay ng pagdiriwang sa National Poison Prevention Week 2024. Ayon kay BAN Toxics advocacy and campaign officer Thony Dizon, mahalagang magsimula sa mga tahanan at paaralan ang pangangalaga sa mga bata upang maiwasan ang pagkakalantad sa mga mapanganib na

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top