Pagtaas ng bilang ng mga nais bumoto sa 2022 elections, indikasyon ng pagkamulat ng mga botante

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 717 total reads

Pagkakaroon ng bukas na kamalayan sa mga sitwasyong kinakailangang baguhin sa lipunan.

Ito ang isang nakikitang dahilan ni Rev. Fr. Jerome Secillano, Executive Secretary ng CBCP – Permanent Committee on Public Affairs, kaugnay sa pagtaas ng bilang ng mga nais na magparehistro at bumoto para sa nakatakdang 2022 National and Local Elections.

Ayon sa Pari, ang pagkamulat ng bawat mamamayan sa kahalagahan ng kanilang boto na maaring makapagdulot ng pagbabago sa bansa ang isang dahilan ng pagiging aktibo ng mamamayan sa paghahanda sa halalan.

“Number 1 siguro gusto talagang magparticipate ng mga mamamayan dito sa gagawing eleksyon, nakita nila siguro ngayon yung realization na yung kanilang boto ay pwedeng makapagdulot ng pagbabago sa lipunan natin at siguro nakita naman na nila na yung naging sitwasyon noon ay kinakailangang baguhin,” pahayag ni Rev. Fr. Secillano sa Radio Veritas.

Kabilang sa tinukoy na sitwasyon ng Pari na maaring nagmulat sa mamamayan upang magkaroon ng pagbabago sa lipunan ay ang mga usapin ng korapsyon at katiwalian sa ilalim ng kasalukuyang administrasyong Duterte gayundin ang hindi maagap na pagtugon ng pamahalaan sa malawakang krisis na dulot ng pandemya.

“Ang ibig kong sabihin na sitwasyon noon marami tayong mga hindi nagustuhan, yung intervention sa pandemya tapos yung mga naging issue pa, unang una palang sa rehimen ni Pangulong Duterte na maaring ikinagulat din ng mga Pilipino, so siguro itong mga bagay na ito ay ayaw naman nila na mangyari pa sa mga susunod pang mga taon kaya gusto nilang lumahok ngayon sa darating na halalan,” dagdag pa Fr. Secillano.

Una ng binigyang-diin ni Fr. Secillano na ang eleksyon o halalan ay isang pambansang gawain na dapat seryosohin ng bawat mamamayan sa pamamagitan ng pagsasabuhay ng mga panlipunang turo ng Simbahan bilang gabay sa pakikilahok sa kabuuang proseso ng halalan na nasasaad sa election campaign One Godly Vote.

Ayon sa Pari, layunin ng One Godly Vote election campaign na gabayan ang bawat botante sa maka-Diyos na pagpili ng mga bagong opisyal ng bayan na nangangahulugan sa pagsasantabi sa pansariling kapakanan at pagbibigay prayoridad sa tunay na ikauunlad at ikabubuti ng bayan.

Iniulat ng (COMELEC) na umaabot na sa 63-milyon ang bilang ng mga rehistradong botante para sa 2022 Elections at inaasahan na marami pa ang magpaparehistro bago matapos ang pinalawig na voters registration sa ika-30 ng Oktubre, 2021.

COMELEC, Tatalima sa Batas

 45,436 total reads

 45,436 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 43,762 total reads

 43,762 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 78,026 total reads

 78,026 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 179,851 total reads

 179,851 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 220,408 total reads

 220,408 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 239,206 total reads

 239,206 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

COMELEC, Tatalima sa Batas

 45,437 total reads

 45,437 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »
Scroll to Top