Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagtanggap ng COVID 19 vaccines na hindi aprubado ng FDA, kinondena ng Caritas Philippines

SHARE THE TRUTH

 566 total views

Muling nanawagan ang Caritas Philippines sa pamahalaan para sa bakuna kontra COVID-19 sa lahat ng mga Filipono.

Kinundena ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, national director ng CBCP-NASSA/Caritas Philippines ang paglabag ng pamahalaan sa batas hinggil sa pagtanggap ng bakuna na hindi dumaan sa wastong proseso ng pag-apruba.

“It was irresponsible to allow the breach of regulatory process and the government is actually tolerating such imprudent and unauthorized action, even if PSG is saying the vaccines were donated” bahagi ng pahayag ni Bishop Bagaforo.
Binatikos ng mga Filipino ang kontrobersyal na pagpapabakuna kontra corona virus ng mga kasapi ng Presidential Security Group na ibinigay ng Sinopharm ng China.

Aminado si Defense Secretary Delfin Lorenza na ‘smuggled’ ang naturang bakuna sapagkat hindi ito otorisadong gamitin sa bansa dahil sa hindi dumaan sa proseso ng Food and Drug Admnistration.

Hunyo 2020 nang makiisa ang Cartias Philippines sa panawagan ng COVID-19 vaccines para sa lahat ng mga Filipino makaraang hanggang 60 milyong populasyon lamang ang kayang mabigyan ng bakuna sa 73.2 bilyong pisong pondo na inilaan sa pagbili nito.



Kaugnay dito nanawagan naman si Caritas Philippines Executive Secretary Rev. Fr. Antonio Labiao Jr. sa pamahalaan na paigtingin at pabilisin ang pagproseso sa mga bakuna upang mapakinabangan ng mga mamamayan.
“It is important now for the Department of Health and FDA to speed up all regulatory processes so that vaccines will be available to us soonest,” ayon kay Fr. Labiao.

Muling tiniyak ng social arm ng simbahan na kaisa ito sa pamahalaan sa pagtugon sa pangangailangan ng mamamayan lalo na ang maralitang sektor na labis naapektuhan ng pandemya.

Mula Marso 2020 mahigit na sa isang bilyong piso ang naipamahagi ng social action network sa buong bansa para sa mga mahihirap na komunidad.
“Our goal has always been to prioritize aid corresponding to the needs of the vulnerable Filipinos. We will continue to be vigilant, especially of government actions, to ensure that the rights, welfare and dignity of the Filipino people prevail over political machinations, vested interests, and greed for power,” ani Bishop Bagaforo.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Prayer Power

 42,232 total views

 42,232 total views Kapanalig, ang panalangin ay direkta nating koneksyon sa Panginoon. Madalas nating iniisip na ang pagdarasal ay pakikipag-usap lamang sa Dios. Ngunit mas malalim

Read More »

Hindi sapat ang siyensya lamang

 79,713 total views

 79,713 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 111,708 total views

 111,708 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 156,452 total views

 156,452 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 179,398 total views

 179,398 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

SAC network, naka red alert sa bagyong Uwan

 6,675 total views

 6,675 total views Tiniyak ng humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na Caritas Philippines ang pag-antabay at mahigpit na nakikipag-ugnayan

Read More »
Latest News
Jerry Maya Figarola

Laban kontra OSAEC, paiigtingin ng PIMAHT at IJM

 17,297 total views

 17,297 total views Paiigtingin ng Philippine Interfaith Movement Against Human Trafficking (PIMAHT) at International Justice Mission (IJM) ang paglaban sa Online Online Sexual Abuse o Exploitation

Read More »

RELATED ARTICLES

Scroll to Top