Nobenaryo sa Poong Hesus Nazareno, sisimulan sa huling araw ng taong 2020

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,139 total views

Nakahanda na ang pamunuan ng Minor Basilica of the Black Nazarene sa pagsisimula ng nobenaryo sa Mahal na Poong Hesus Nazareno.

Ika – 30 ng Disyembre isinagawa ang tradisyunal na pagbihis sa imahe sa dambana ng basilica. Sa pagninilay ni Rev. Fr. Danichi Hui, parochial vicar ng basilica, sinabi nitong ang pagbibihis sa imahe ng Poong Nazareno ay tanda ng paghahanda sa isang mahalagang okasyon ang kapistahan sa ikasiyam ng Ika – 30 ng Disyembre

Ibinahagi rin ng pari na ang kulay at disenyo ng kasuotan ng Mahal na Poong Hesus Nazareno ay sumasagisag sa pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan at paalala sa mananampalataya sa mga sakripisyo ni Hesus para sa kaligtasan ng bawat isa.

“Ang Kanyang damit ay tanda at paalala sa atin. Ang kulay pulang kasuotan ay pagpapakita ng pag-ibig habang ang mga bulaklak at dekorasyon ay paalala ng Kanyang pasyon, paghihirap at pagpapakasakit alang-alang sa sangkatauhan,” pagninilay ni Fr. Hui.

Ayon sa pari, ang mga palamuti sa kasuotan ng Poon ay maituturing na elemento ng pananampalataya upang mapaalalahanan ang bawat isa sa dakilang pag-ibig ng Diyos sa tao. Pinaalalahanan pa ni Fr. Hui ang mga debotong dumalo sa pagdiriwang na bagamat may mga pagbabago sa traslacion ngayong taon, hindi pa rin nababago ang sentro ng pagdiriwang ang pagbibigay pugay kay Hesus na nagpakasakit para sa sanlibutan.

Sinabi pa nitong dapat magpasalamat ang mamamayan sa biyayang kaloob ng Panginoon sa kabila ng paghihirap na dinaranas bunsod ng pandemya. Ika – 31 ng Disyembre magsisimula ang nobenaryo sa Poong Nazareno at magtatapos sa ikawalo ng Enero habang tuloy-tuloy na misa pasasalamat naman sa araw ng kapistahan sa ikasiyam ng Enero.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 43,860 total views

 43,860 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 39,729 total views

 39,729 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 75,931 total views

 75,931 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 84,725 total views

 84,725 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 110,313 total views

 110,313 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top